Kasal nina Maricel at Edu ngayon lang na-annul

Feel na feel ko na ang summer at ang sinasabi ni Senator Loren Legarda na climate change. Unang linggo pa lang ng Pebrero pero ang tindi na ng sikat ng araw.

Napakaagang dumating ng summer ‘ha? Parang kailan lang, ang araw-araw na pag-ulan at malalakas na bagyo ang problema ng Pilipinas, pati na ang pag-apaw ng mga dam na nagdulot ng malaking baha.

Ngayon naman, ang pagkatuyo ng tubig sa mga dam ang problema dahil sa tag-tuyot. Kasabay ng kabawasan ng tubig sa mga dam ang pagtaas ng singil sa kuryente.

Haay, balanse talaga ang life! Kung may tag-ulan, siguradong may tag-araw!

* * *

Wala nang makakaawat sa paglipat ni Maricel Soriano sa TV5 dahil nakikipag-usap na siya sa mga bossing ng network.

Ang sey ni Maria, non-exclusive ang kontrata niya sa TV5 kaya puwede siyang umapir sa ibang mga TV network.

Ang dinig ko, magkakaroon si Maria ng weekly drama anthology sa Channel 5 at magkakasama sila ni Roderick Paulate sa isang episode. Look­ing forward ang fans sa team-up nina Maria at Ro­de­rick dahil matagal na silang hindi napa­panood na magkasama sa isang TV show.

Ikinuwento nga pala ni Maricel sa mga reporter na annulled na ang kasal nila ni Edu Manzano. Kailan at saan? Hindi ko alam ang tumpak na kasa­gutan da­hil hindi raw nagbigay ng kumpletong de­tal­ye ang Diamond Star.

Si Edu ang dating asawa ni Maricel at kasal sila sa simbahan. Dahil malalim ang kanilang pi­nag­­­sa­mahan, mukhang susuportahan ni Maricel ang kandidatura ni Edu. Malamang na si Edu ang kan­­­yang iboboto pero hindi sure kung ipapa­ngam­pan­­ya ni Maricel ang ex-dyowa dahil magiging busy na siya sa TV5.

* * *

Napag-uusapan si Maricel dahil siya nga ang ce­­le­b­rity judge sa pilot episode ng Diz Iz It, ang talent show na pre-programming ng Eat Bulaga at mapapanood simula sa Lunes.

Hindi lamang judge ang role ni Maricel dahil pu­­ma­yag ito na magkaroon ng dance number. Ma­ta­­­gal na hindi lumabas sa TV si Maricel kaya na-ex­cite siya sa kanyang guesting sa Diz Iz It. Kaka­ibang electricity daw ang kanyang naramdaman nang sabihin ni Mama Malou Fagar na aapir siya sa Diz Iz It. Si Mama Malou ang manager ni Maria.

* * *

Dahil Sabado ngayon, ipapaalala ko sa inyo na hu­wag makalimot na panoorin ang Startalk da­hil maii­nit na showbiz news at controversy ang in­yong ma­tutunghayan..

Ipapaalala ko rin sa inyo ang nalalapit na Valen­tine show nina Paolo Santos at Sabrina sa Rat­sky’s Morato sa February 13.

Nag-promise si Paolo na more than 20 acoustic love songs ang kanyang kakantahin para mag-en­­joy nang husto ang audience nila ni Sabrina, ang ba­guhang singer na acoustic songs din ang for­te kaya Reminiscing Acoustic ang title ng ka­nilang concert.

Ang SMA Productions Inc. ang produ ng Re­mi­­­niscing Acoustics. Na-meet ko na ang staff ng SMA Pro­ductions Inc.. Mababait sila at hindi mga fly-by night producers. Sila ang tipo ng concert pro­du­cers na dapat suportahan dahil malalaki ang ka­nilang mga pinaplano na project.

Sa mga gustong bumili ng tickets ng Remi­niscing Acoustics, call ninyo ang SMA Productions sa   tel.number 775-2698. 

Show comments