Eliza at Sofia magkakaayos pa ba?

MANILA, Philippines - Sa loob ng mahigit apat na buwan, tinutukan ng lahat ang bawat pagsubok na hinarap ni Eliza, ang role na ginampanan ni Jennylyn Mercado sa Ikaw Sana. Sa nalalapit nitong pagtatapos ngayong Biyernes, tanong ng bayan kung mag­tatagumpay ba si Eliza na makamit ang matagal nang dapat ay sa kanya?

Sa wakas ay nagka­ba­likan na sina Michael (Mark Herras) at Eliza (Jen­nylyn) matapos uma­min si Gi­selle (Camille Prats) na hindi totoong nag­ka­roon sila ng re­lasyon ni Mi­chael. Sa­man­­tala, nagi­sing na si Ama­da mula sa coma nito at aa­minin na niya na si Loreta (Mari­toni Fer­nan­­dez) ang nasa likod ng pagka­ka-aksi­dente niya.

Si Enrico (Zoren Le­gas­pi) naman ay gaga­wa ng hakbang para patahi­mikin si Loreta. Babarilin niya si Loreta subalit ang hindi niya alam ay nasa likod lang pala niya si Eliza. Mag­tatangka rin siyang barilin si Eliza ngunit tutulungan siyang makaligtas mismo ni Loreta! Sa tulong niya, makakatakas si Eliza at tatawag ng pulis. Subalit sa pagmamadali nito ay maaaksidente siya.

Madaratnan naman ni Sofia (Pauleen Luna) na nakahandusay ang kan­yang ina. Sasabihin ni En­­rico na si Eliza ang may gawa ng krimen sa ina niya kaya dali-daling umalis si Sofia para bali­kan si Eliza.

Saan dadalhin ng galit niya si Sofia? May pag-asa pa kayang mabalik sa dati ang magandang sama­han ng magkapatid na sina Eliza at Sofia? Patuloy na nga bang ma­u­wi sa tahi­mik ang pag­sa­­­sama nina Eliza at Mi­chael?

Ang sagot sa mga ka­ta­nungang ito ay mala­laman na ngayong huling dalawang araw ng Ikaw Sana na mapa­panood bago mag-24 Oras sa GMA Tele­babad. 

Show comments