Negosyong bar Ni Mark Herras sarado na!

Mabuti kung totoong parehong loveless sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo dahil walang magseselos sa very passionate kissing scene nila sa Miss You Like Crazy, ang balik-tambalan nila sa Star Cinema sa direksiyon ng favorite nilang si Cathy Garcia-Molina.

Tsika ng dalawa, sa nasabing pelikula nila ginawa ang most daring kissing scene nila “mas matured” ang tawag nila dahil may kagatan pa ng kanilang mga labi. Kung may karelasyon ang dalawa, ‘di maiwasang magselos ‘di ba?

Sa press release, walang nakasulat kung kailan showing ang John Lloyd-Bea movie na sabi, sa February 24 na ang playdate. Pero magsu-shooting pa ang dalawa sa Malaysia kung saan, kukunan ang remaining 30 percent ng movie.

* * *

Sa Sunday na pala ang balik ni Jolina Magdangal sa SOP at inunahan na kaming ibang-ibang Jolina ang bubulaga sa televiewers. Mula sa damit, ayos ng buhok, make-up, at pati raw sapatos ay very different. Total repackaged daw ang ginawa sa singer-actress para maiba at maging “in” ang dating.

Curious lang kami kundi ba mahihirapan si Jolina na mag-shift from her looks sa SOP sa ka­rak­ter niya sa Panday Kids na base sa teaser ay hindi makabago ang production design. Pero sanay naman yata si Jolina rito.

But how true na hindi muna ipapa-interview si Jolina about her new look? Eh, ‘di sa presscon na lang ng Panday Kids siya kakausapin ng press, ‘yun ay kung pupunta siya.

* * *

Sarado na pala ang Serve Bar sa Araneta Center na isa si Mark Herras sa may-ari. Basta “wala na” lang ang sagot nito nang usisain namin sa last taping ng Ikaw Sana. May bagong negosyo siyang balak pasukan, isang Internet shop sa may Tomas Morato at makikisosyo siya kina Dinno Erece at isang non-showbiz friend.

Kung maaayos ang usapan, tig-25 percent share sila ni Dinno at 50 percent share naman ang isa pa nilang kasosyo. Business minded na raw siya, sabi ni Mark at dahil kailangan ng pera, walang reklamo sa sunud-sunod na trabaho. After Ikaw Sana, gagawin niya ang Diva kapareha si Ynna Asistio na second time na makakatambal  dahil loveteam din sila sa Mga Mata ni Anghelita at dito yata siya unang na-in love sa batang aktres.

Show comments