MANILA, Philippines - Painit ang mga nangyayari sa dramedy na Drop Dead Diva ng Q Channel 11 kung saan bida ang plus-size attorney na si Jane Bingum (Brooke Elliott). Sa episode nito noong nakaraang linggo, pagpapatawad ang naging tema ng dalawang kaso na hinawakan ni Jane at ng kanyang colleagues.
Una na rito ang kasong hinawakan ng colleague ni Jane na sina Kim Kaswell at Grayson Kent. Kliyente nila rito si Mia na pinagtaksilan ng kanyang fiance at maid of honor sa mismong araw pa ng kanilang kasal.
Ngayong Biyernes naman, si Jane mismo ang magsasampa ng kaso laban sa isang shop dahil sa hindi nito pagbebenta ng malalaking damit para sa mga katulad niya. Para kay Jane, may kakabit na “emotional damage” ito sa mga plus-size na babae.
Abangan kung ano ang mangyayari sa kasong ito ni Jane ngayong Biyernes 8:30pm, sa Q Channel 11.