May tendency na lumaki ang ulo, Charice feel na feel ang pagiging Inglesera

Inaalam ko pa ang kumpletong detalye ng pagka­wala ni Paulo Avelino sa isang bagong show na ma­laki sana ang maitutulong sa kanyang showbiz career.

Marami ang nanghinayang dahil pinakawalan ng kampo ni Paulo ang maganda at malaking op­portunity.

Ang balita ko, nalungkot si Paulo nang mala­man nito na out na siya sa bagong show na tinutu­koy ko.

Excited pa naman siya pero natsugi ang kan­yang na-feel na excitement nang malaman niya na na-Luz Valdez ang project. Sayang na sayang talaga!

* * *

Kahapon ang presscon ng TV remake ng Gu­ma­­pang Ka Sa Lusak. Nagulat ang mga reporter na dumalo sa presscon dahil maraming artista ang ka-join sa bagong drama show ng Ka­puso net­work.

Mga bida sa TV remake sina Dennis Trillo at Jen­nylyn Mercado na dati nang nagkasama sa isang episode ng Now & Forever.

Sina Dina Bonnevie at Christopher de Leon ang mga bida sa movie version. Hindi man kasali si Christopher sa TV remake, starring naman dito ang kanyang misis na si Sandy Andolong.

Maganda ang role ni Sandy. Siya ang magbi­bigay-buhay sa role na ginampanan noon ni Mama Charo Santos-Concio.

Si Sandy ang gaganap na asawa ni Al Tantay, ang mayor na karelasyon ng karakter ni Jennylyn.

In fairness kay Sandy, hindi ito nawawalan ng pro­ject sa GMA 7 dahil bukod sa magaling umarte, ma­husay siyang makisama.

* * *

Nagkita kami ni Mark Herras noong Martes. Nag­pa­gupit at nag-ahit na ng balbas si Mark dahil tapos na ang taping ng Ikaw Sana. Mapapanood na nga mamaya ang ending ng drama show nila ni Jennylyn.

Clean-cut na uli si Mark dahil kasali siya sa cast ng Diva, ang primetime TV show na pagbibi­dahan nina Regine Velasquez at Mark An­thony Fernandez.

May nagkuwento sa akin na hindi pa raw sisipot si Regine sa SOP sa Linggo dahil nag-extend siya ng pananatili sa Middle East. Matagal nang hindi na­pa­­panood sa SOP si Regine kaya miss na siya ng kanyang fans. Walang malinaw na paliwanag ang kampo ni Regine tungkol sa hindi niya pag-apir sa Sunday show nila ni Ogie Alcasid.

* * *

Bukas pa ang 68th birthday ni Eddie Gutierrez pero nag-dinner na sila ng kanyang pamilya at close friends sa isang Italian restaurant sa Makati City.

Maagang nag-celebrate ng birthday si Eddie dahil mahirap pagsama-samahin ang kanyang mga anak na pare-parehong busy sa kanilang mga trabaho.

May taping si Richard para sa Full House at busy si Raymond sa Starstruck V at Showbiz Cen­tral.

Si Raymond ang nag-interbyu kay Kris Allen sa Edsa Shangri-la Hotel noong Miyerkules. Mabilisan ang interbyu dahil five minutes lang ang ibinigay kay Raymond at dahil magaling siyang host, maraming naitanong si Raymond sa American Idol winner, kesehodang minamadali sila ng event organizer.

Si Raymond din ang host kagabi sa fashion show ng Starstruck V contestants sa Trinoma. Ti­na­pos muna ni Raymond ang kanyang work bago siya nagpunta sa birthday dinner ng tatay niya.

* * *

Sinabi ng aking friend na may tendency na lumaki ang ulo ni Charice at base ito sa inasal ng bagets nang magkita sila sa isang lugar.

Feel na feel daw ni Charice ang pagiging Inglesera, malayung-malayo sa down-to-earth na Charice noong nag-uumpisa pa lamang ito sa show­biz.

Ayaw i-compare ng aking friend si Charice kay Sarah Geronimo pero magkaibang-magkaiba raw ang kanilang mga ugali. Humble pa rin daw si Sarah kahit sikat na sikat ito.

Show comments