^

PSN Showbiz

FDCP magsasagawa ng Historical Scriptwriting Contest

-

MANILA, Philippines - Ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay magsasagawa ng isang national scriptwriting competition para sa taong ito. Ang deadline ng mga entries ay on or before May 20. Ang mga mananalo ay ipakikilala sa June 12, Independence Day.

“We’re holding the historical scriptwriting contest to promote and support the development and growth of the Philippine film industry as a medium with which to uplift aesthetic, cultural, and social values for a better understanding and appreciation of the Filipino identity,” said FDCP chairman Rolando Atienza.

Idinagdag pa niya na ang layunin ng council ay para maibahagi ang kasaysayan “through scripts that may be produced into films as well.”

Ang nagbubuklod na tema ng pakontes ay historical at non-fiction at gagamit ng “orthodox and unorthodox approaches” sa pagsasalaysay ng ating kasaysayan.

Pero giit ng chairperson, “The stories should be unique, not common, not popularly known.”

Ayon naman kay Christine Dayrit, ang Cinema Evaluation Board (CEB) head at project leader ng historical scriptwriting contest, “The subject matters can delve on the unsung heroes of the Philippines or about the little known events that took place in the history of the country.”

Kung ang mga partisipante ay magnanais ipakita ang naging buhay ng mga tanyag na bayaning tulad nina Rizal at Bonifacio, kailangan nilang magprisinta ng bago, ’yung mga hindi pa naisusulat sa mga libro.

Ang historical scriptwriting contest, dagdag pa ni Dayrit, ay bukas sa lahat ng mga purong Pilipino at may dugong Pinoy na mga manunulat, historians, film enthusiasts, overseas Filipino workers, at kahit Filipino expats. Ang mga contestants ay maaaring dito sa Pilipinas naninirahan o sa ibang bansa.

Tatlo ang mananalo. Ang first prize ay magkakamit ng P350,000; ang second prize, P250,000; at ang third prize, P150,000.

Ang sasali ay kailangan lang magsumite ng isang lahok na ire-reproduce ng sampung kopya. Bawat kopya ay dapat may kasamang synopsis. Ang pangalan ng writer at ang pamagat ng script ay dapat naka-type sa hiwalay na information sheet.

Walang dapat makitang pangalan ng nagsulat sa mga pahina ng script. Ang screenplay ay dapat nakasulat sa Filipino, English, o kahit anong local dialect (pero may kasamang Tagalog o English translation). Ganoon din kung gagamit ng mga paningit na dayalogo sa local dialect, kailangang lagyan ito ng translation.

“Again, the rule of thumb is simple — there should be historical accuracy,” diin ni Atienza.

Para sa iba pang impormasyon, tawagan si Cely Tomas ng FDCP sa 634-6984 o si Abi Portillo sa 638-2739. Maaari ring bisitahin ang www.filmdevcouncilph.org.

ABI PORTILLO

ATIENZA

AYON

CELY TOMAS

CHRISTINE DAYRIT

CINEMA EVALUATION BOARD

FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

INDEPENDENCE DAY

ROLANDO ATIENZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with