Ganda LA DIVA sa LIFE AND STYLE

MANILA, Philippines - Marami ang nakapupuna sa pagbabago ng mga produkto ng singing contest sa telebisyon na Pinoy Pop Superstar na sina Jonalyn Viray, Aicelle San­tos, at Maricris Garcia. 

Mula sa pagiging simple’y biglang naging mapang-akit, seksi at wika nga’y head turner ang tatlo na mas lalong kilala ngayon bilang La Diva ng pang-Linggong Kapuso musical show na SOP. 

Sa Life and Style with Ricky Reyes ay panauhin ngayong Linggo alas diyes hanggang alas-onse ng umaga ang popular na trio na ngayo’y mayroon nang sariling recording album at nakapag-perform na sa maraming lugar sa ibang bansa.

Makakatsikahan din ng host-producer na si Mader Ricky ang beauty spe­cialist na si Dra. Claudine Roura at dentist of the stars Dra. Cielo Adajar. Sila ang nasa likod ng pagpapalitaw ng angking kagandahan ng maraming Pinay.

Panauhin din ang tv host/comedian/singer na si Arnel Ignacio na ngayo’y nalutas na ang pagkalugas ng buhok at may matagumpay na ring negosyo ng wig at ibang pustisong buhok o “hair piece.”

Show comments