Through the proddings of her friends, humabol sa auditions si Frenchesca Farr para sa musical film na Emir sa pamamahala ni direk Chito Roño, only to pass with flying colors, kaya fly na rin siya sa Morocco for the shoot.
For me, isang virtual unknown si Frenchesca, pero na-impress daw ang mga nagpa-audition when she came prepared for the two renditions, isa rito ay ang awiting Tagalog na bahagi ng pelikula, copy of which was furnished to the hopefuls on the day itself.
Pero hindi ito ang catch. Isa raw si Karylle sa maraming established nang singers who tried their luck. Pero tinalo pa ng isang ‘nameless’ singer sina Karylle et al.
* * *
Payback time na maituturing ang tulong na ipinakikita ni Vice Ganda kay DENR Secretary Lito Atienza in his bid to reclaim the mayoral seat in the City of Manila.
Baket, si Vice Ganda ba ang vice mayor ni Sec.? Kidding aside, hanggang ngayon ay sariwa pa sa alaala ng sikat na TV host-comedian nung ipinalibing ng dating Ama ng Maynila ang kanyang ama, wala pang Vice Ganda sa larangan ng stand-up comedy noon.
Kaya nga hindi nag-aatubili na samahan palagi ni Vice Ganda si Sec saan man ang lakad nito lalo’t dumarayo sila sa mga matataong lugar sa siyudad. Ang pakilala pa nga ni Sec sa komedyante : “Eto ang ‘vice’ ko.”
Kasama rin siyempre ni Sec ang kanyang anak na si Kim, na sa bawat lugar na puntahan nila’y hindi magkamayaw ang mga taong tili nang tili ng : “Kuya Kim!” bilang pagkilala sa kasikatan nito ngayon.
Incidentally, magkasama sa programang Showtime sina Kim at Vice Ganda, ramdam din ang pag-abot na sa fever pitch ng labanan sa pagka-mayor sa Maynila. And to that I say, it’s showtime!
* * *
This early, hinihintay with bated breath ang battle of the champions sa Talentadong Pinoy on March 6.
Sino kaya sa pitong hall of famers, kabilang ang isang wild card contestant ang tatanghaling first ever TP grand champion in the next four weeks?
Tutok lang sa programang ito hosted by Ryan Agoncillo every Saturday!
* * *
If you happen to pass by the residence of Marlene Aguilar-Pollard at Blue Ridge, Quezon City, kapansin-pansin ang pagkawala na sa harap ng kanyang tahanan ang tarpaulin with her revealing cleavage for the world to see.
Isa kasing residence roon ang nagreklamo sa barangay dahil masagwa raw ang tanawing ‘yon for young passers-by. May kaugnayan sa isinulat na aklat ni Marlene ang tarp na ‘yon, not about her bold movie showing soon kung meron man.