Naninibago ngayon ang mga kasamahan sa sikat na actor-singer dahil kung dati-rati ay maharot ito, puno ng buhay at masayahing kausap, ngayon ay gusto nito ay laging nag-iisa. Napansin nila na malungkot ito lagi. Kahit ang mga press na dumadalaw sa show ay dini-dedma niya at lagi lang itong nasa isang sulok.
Ayon sa aking kaibigang source, malamang na may problema ito sa kanyang marital life. Balitang hindi na sila masaya ng kanyang misis na isa ring aktres kung saan kahit nagsasama sila sa iisang bubong ay magkahiwalay naman daw ang kanilang kuwarto. Marahil nagsasama na lang sila alang-alang sa kanilang mga anak.
* * *
Masayang ikinuwento ni Gladys Reyes sa presscon ng Habang May Buhay na mas mataas na ang level niya ngayon - isa nang doktora sa katauhan ni Dra. Clarissa Briones sa nasabing serye.
Ayon pa kay Gladys, nabawasan na rin ang sampalan blues nila ni Judy Ann Santos sa ilang eksena sa kanilang bagong teleserye ‘di gaya noong unang magsama sila sa Mara Clara na parang walang katapusan ang pananampal niya kay Juday.
“Noon kasi mga bata pa kami pero ngayon pareho na kaming matanda kaya napapagod na rin kami sa mga ganung eksena. Thankful ako dahil nagkatrabaho uli kami at naging active ang aming friendship. Tinginan lang, nagkakaintindihan na kami dahil gamay na namin ang isa’t isa pagdating sa trabaho,” say ni Gladys.
* * *
Nalulungkot ang mga empleyado ng DENR dahil aalis na si Secretary Lito Atienza. Mahal na mahal siya ng mga kawani dahil parang isang tunay na ama ang pagtingin nila sa kanya.
Naintindihan naman nila na may magandang layunin si Sec. Atienza sa kanyang pagbabalik sa Maynila.
Ikinararangal niya kung tawagin man siyang tatay ni Kim Atienza na sikat na sikat ngayon. Nage-enjoy na ito sa showbiz at sinabing hindi na nito babalikan ang pulitika.
* * *
Nagpapasalamat ang ENPRESS kay Ms. Sharon Cuneta na nagpaunlak para maging inducting officer sa Pebrero 3 na idaraos sa Baliwag Grill & Restaurant.