May iba nang propesyon ang dating sikat na actor at, in fairness, kinikilala naman siya sa trabaho niya ngayon.
Pero hindi ito sapat para umarte siya na parang kung sino. Gayung alam naman niya na ipinagbabawal ang sasakyan na tulad ng sa kanya, minsan ay nakasabay ko ang sasakyan niya na parang hinahabol ng kung ano. Napakabilis nito at bukod dito, gumagamit pa siya ng wang wang. Hindi siya makapagkakaila dahil nagbukas ng bintana ang sasakyan niya at nakita siya at via megaphone ay pinatatabi ng isang kasamahan nito na nasa unahan ng sasakyan ang mga sasakyang nakakasabay nila! Ito ay habang patuloy ang pagrepeke ng wang wang niya!
May emergency ba siya o nagmamadali lang?
* * *
Wala talaga akong masabi sa balikbayang si Marc Cubales, isang ramp model mula sa Manchester, London at ngayon ay sinusubukan ang klima ng negosyo at showbiz sa Pilipinas. Nakadalo ako sa kanyang isang selebrasyon sa Dolce, isang bar na kung saan bumaha ng Japanese food at wine. Totoo nga palang dalawang linggo ang itinakda niyang selebrasyon para sa kanyang 24th birthday.
Nung Huwebes ng gabi, isa na namang fund-raising ang naging pagdiriwang ng kanyang kaarawan na ginanap sa The Lounge. Nagkaroon ng fashion show na kung saan ipinakita sa manonood ang mga latest na disenyo na mabibili sa Hodge Podge, isang boutique na matatagpuan sa Mother Ignacia, katabi ng ABS-CBN.
Sky’s the limit, lahat ng nasa menu puwedeng orderin, mula sa Johnny Walker Blue na nakita ko na nagkakahalaga ng P11,000 bawat bote hanggang sa mga juices, sodas, and appetizer.
Ganado ang lahat dahil bago ang fashion show, nagkaroon ng musical program. Kumanta si Pilita Corrales at ang grupong Primo. Nagsilbing host si Jackielou Blanco.
* * *
Dumalo rin ako sa makahulugang birthday treat ni Jim Acosta, may-ari ng Psalmstre, gumagawa ng mga produktong New Placenta na mag-isang ini-endorso ni Melanie Marquez.
Sinabi kong makahulugan dahil hindi biro ang magpakain at magpasaya ng maraming inmates ng Correctional Institute for Women. Bukod sa malaki ang preparasyon, magastos din. Pero it’s all worth the cast and effort. Hindi lamang ang mga inmates ang nabahaginan ng kanyang kaarawan, maski na ang mga nakasama niyang press, lalo na ako na firs time nakasama sa ganung okasyon ay talaga namang nag-enjoy.
Maraming may talento among the inmates. Marami ang marunong kumanta, sumayaw at umarte. Kwela ang isang grupo na nagpamalas ng isang sayaw na may kakaibang konsepto. Sana sila ang nanalo. I had to leave for another engagement pero kung wala, I would have stayed until the end of the program dahil nga talagang nakakaaliw at worth my time ang panonood sa kanila.
‘Di ko rin alam kung magkano ang premyo na tatanggapin ng mga mananalo pero sana lahat makatanggap ng gantimpala. After all, hindi biro ‘yung paghahanda na ginawa nila. Para sa may birthday, it was not a one sided gesture. Nag-blowout man si Jim Acosta, ginantihan naman nila ng magandang programa ang birthday treat nito.
* * *
Tuluyan na nga bang aaminin nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang ugnayan o relasyon? Ito ang sasagutin ngayong hapon ng programang Showbiz Central.
Plus, tutukan din ang pagbabago ng buhay ng isang sexy star na nakapagpatayo na ng sarili niyang simbahan!
Abangan din ang pagbasag ni Regine Velasquez ng kanyang katahimikan hinggil sa kanyang kalusugan.
Lahat nito ngayong hapon sa intriga capital ng bansa, ang Showbiz Central.