Press release na 'di ready na magka-BF may ka-live in pala, aktres nuknukan ng sinungaling

Nuknukan ng sinungaling ang aktres na may press release na hindi pa siya ready na magkaroon ng boyfriend.

True ang sinabi ng hitad. Hindi pa siya ready na mag­karoon ng BAGONG boyfriend dahil nakikipag-live in pa siya sa kanyang non-showbiz dyowa.

Habang sinasabi ng aktres na loveless siya, harap-harapan na nagtatawanan ang mga reporter na kausap niya.

Laugh-laugh ang mga reporter dahil alam nila na nagsisinungaling ang hitad na aktres na buong ningning na nag-dialogue na afraid siya na mag­paligaw. Baka raw may mga manliligaw siya dahil sa kanyang kasikatan. Ganyan kayabang ang aktres kaya i-expect natin na hindi siya sisikat dahil hindi welcome sa showbiz ang mga sinungaling at mayayabang!

* * *

Halos isang buwan na mawawala sa Pilipinas sa May sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil kasama sila sa US concert tour nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Actually, hindi lang sa US ang show ng apat. Pupunta rin sila sa Canada kaya kailangan nilang tapusin ang lahat ng commitments bago dumating ang May.

Sisimulan na nina Dingdong at Marian ng taping ng Endless Love sa March. Magiging busy sa taping ang dalawa sa April at hindi pa kasali rito ang shooting ni Dingdong para sa long-delayed project niya sa Viva Films at GMA Films, ang Andong Agimat.

Sobrang dami ang ginagawa ni Dingdong. Kulang sa kanya ang 24 oras dahil may mga negosyo pa siya na inaasikaso.

Walang ipinagkaiba si Dingdong kay Alfred Vargas na hindi rin nawawalan ng ginagawa. Pareho sina Alfred at Dingdong na may mga restaurant business na dapat harapin at asikasuhin.

* * *

Kakaunti lang ang mga Pilipino na nagbabalak na manood ng laban ni Manny Pacquiao sa Dallas, Texas.

Pare-pareho ang sinasabi ng mga fan ni Manny, masyadong malayo ang Texas. Hindi raw nila pinangarap na gumastos ng malaki. Sa pamasahe pa lang, lugi na sila.

Hindi raw katulad sa Las Vegas na madaling puntahan at malapit sa Los Angeles. Hoping nga sila na magpalit ng venue ang laban nina Manny at Joshua Clottey na malabong mangyari dahil nagpirmahan na ng kontrata ang mga pro­moter ng kanilang boxing match.

Saka hindi gaanong excited ang mga Pilipino sa nalalapit na laban ni Manny dahil hindi nila kilala si Clottey.

* * *

Napaka-unfair ng balita na nabasa ko na unprofessional ang GMA Artist Center dahil hindi nila natututukan nang husto ang kanilang mga talent.

Alam ko ang buong detalye ng pagtanggap ng show sa ibang bansa nang walang paalam ng isang talent ng GMAAC.

Siyempre, ipinatawag ng GMAAC ang talent para tanungin ito sa ginawa niya pero imbes na magpaliwanag, siya pa ang nagalit.

Kung nagpaalam nang maayos ang talent, hindi sana siya magkakaroon ng problema. Ang kaso, ipinagwalang-bahala niya ang kanyang exclusive contract sa Artist Center.

Kaya sa mga artista na walang respeto sa kontrata, matuto kayong gumalang sa mga kon­trata na pinipirmahan para hindi kayo magka­problema. Pakatandaan ang golden rule, huwag ninyong gawin sa ibang tao ang mga bagay na ayaw ninyong gawin sa inyo. ‘Yun lang!

* * *

May magpapaalam uli mamaya sa StarStruck kaya tutukan ninyo ang artista search show ng GMA 7.

Malapit na ang grand final night ng Starstruck Season V kaya kinakabahan na ang mga remain­ing contestant na nangangarap na sila ang mag-win at mabigyan ng malaking break sa showbiz!

Show comments