Ramboy at Jayda magpapakitang gilas

MANILA, Philippines - Bigyang daan si Ramboy Revilla at Jayda Avan­­zado, ang mga bibong junior detective ng Kap’s Amazing Stories (KAS), Kids Edition simula bukas, Linggo.

Si Ramboy ang bunsong anak ni Sen. Bong Re­villa at Lani Mercado; at si Jayda naman ang anak ni Jessa Zaragosa at Din­dong Avanzado. Bukod sa star-quality na tulad sa kanilang mga magulang, meron silang napakakyut at hindi-ma­pi­­pi­­gilang mga pananaw, na siyang magbi­bigay nang bagong kahulugan sa infotainment.

Bilang mga junior agent, hihingan ni Ram­boy at Jayda ng tulong ang isang Top Kapuso Star linggo-linggo. Sa kanilang unang ad­venture, ma­suwerteng makakasama nila ang kanilang Kuya Ogie Alcacid. Kayanin kaya ni Ogie ang mga walang katapusang tanong ng mga bata?

At para sa kauna-unahang palabas, buong galak na hinahatid ng KAS ang Wild Detec­tives. Bilang isa sa prime specials ng National Geo­graphic Channel at kinikilalang Parent’s Choice, sasagutin nito ang pinakama­hirap na tanong ng mga bata tungkol sa mga penguin (bakit sila sumi­sisid sa kalaliman ng Pacific Ocean gayung ang paboritong pagkain nila ay nasa ibabaw?), leon (anong ginagawa nito sa loob ng tirahan kapag walang nakatingin?), balyena (paano nasa­salin ng mga sayantipiko ang kanilang leng­gwahe?), at marami pang iba.

Gamit ang napakamahal at espesyal na gadget na kung tawagin ay crittercam, dadalhin ang mga manonood sa mga lugar na hindi pa nila nakikita. Ang mga misteryo sa buhay ng hayop na sa tingin ng marami ay hindi na masa­sagot ay buong siglang isisiwalat.

Handa na ang mga bagets sa Linggo, pag­katapos ng Showbiz Central sa GMA 7.

Show comments