MANILA, Philippines - Ang upcoming singer na si Sabrina at ang top acoustic singer na si Paolo Santos ay magkakaroon ng Valentine show sa Ratsky Morato sa Feb. 13 at 8 p.m.
Pinamagatang Reminiscing Acoustic, nangakong haharanahin nina Sabrina at Paolo ng pawang magagandang musika ang bar audience.
Nakilala na si Paolo sa natatanging pagtugtog niya ng gitara at pagkanta ng mga unforgettable love songs. Marami na rin ang nakaka-miss sa kanya ngayon sa eksena.
Si Sabrina naman, kahit isang baguhan, pinagkatiwalaan na siya ng MCA Music para sa isang 17-track acoustic CD album. Nadidinig sa radyo ang version niya ng Umbrella, Irreplaceable, at A Thousand Miles.
Ang Reminiscing Acoustic ay mula sa SMA Production na nasa likod ng ilang local and international concerts, indie films, fashion shows, at sports events.
Para sa mga detalye, tumawag kay Reggie sa 332-2720 o mag-text sa 0917-8632878.