MANILA, Philippines - Bibisita sa bansa si California Governor Arnold Schwarzenegger sa susunod na buwan upang bisitahin ang mga naging pinsala ng bagyong Ondoy at Pepeng.
Kinumpirma ito ni Butch Meily, executive director ng Philippine Disaster Recovery Foundation.
Wika pa ni Meily sa media briefing sa Malacañang kahapon, magsasagawa ng assessment ang tinaguriang ‘governator’ ng California sa lawak ng pinsala ng dalawang bagyong dumaan sa bansa at upang malaman din kung magkano ang maaring ibibigay na tulong nito.
Idinagdag pa ni Meily, nais ding ibahagi ng Hollywood actor at ngayon ay California governor sa pinaplanong pagtulong sa reconstruction ng mga nasalanta dahil sa karanasan nito sa mapaminsalang hurricane Katrina sa kanilang estado. (Rudy Andal)