Kahit nag-apply na, Juliana Palermo tinanggihang maging cover ng isang men's mag

Seen : Ayaw na ayaw nang magpainterbyu ni AiAi delas Alas tungkol kay James Yap para hindi na maapektuhan ang friendship nila ni Kris Aquino. Magkasama sina AiAi at Kris sa Pilipinas Got Talent.

Scene : Ang pananatili ng mga evicted housemate sa loob ng PBB house. Showbiz na showbiz na sila, lalo na ang transsexual na si Rica Paras na OA ang projection sa harap ng mga TV camera.

Seen : Ang mga make up paraphernalias na nakita sa bag ni Enzo Pineda, ang StarStruck na vain at pinagdududahan ang kalamyaan.

Scene : Nakakainis tingnan ang wig na ipinagamit kay Max Eigenmann sa Kung Tayo’y Magkakalayo. Katawa-tawa ang kanyang wig.

Seen : Malaki ang ipinagbago ng mukha ni Cheri Mercado, ang newscaster ng TV5 dahil lalo siyang gumanda.

Scene : Nag-umpisa na ang taping ni Jennylyn Mercado para sa Gumapang Ka Sa Lusak. Nakansela kahapon ang presscon ni Jennylyn para sa Belo Medical Clinic dahil sa kanyang taping.

Seen : Nag-apply si Juliana Palermo upang maging cover girl ng isang men’s magazine ngunit tinanggihan siya.

Show comments