Angelica napikon sa panlalait ng fans; Rhian sanay nang umiyak!

Ang dali na pala ngayong umiyak ni Rhian Ramos. Kuwen­tuhan mo lang daw ito ng something sad, isa o dalawang minuto lang, agad tutulo ang luha ng aktres.

“Nahasa na sa Stairway to Heaven,” kuwento ng executive producer ng ka­nilang bagong programa ni TJ Trinidad na Dear Friend’s Almost A Love Story. Isang buwan silang mapa­panood sa nasabing programa tuwing hapong kada-Linggo sa GMA 7.

Comfortable na rin daw sina TJ (Trinidad) at Rhian sa taping. Sa Stairway na­­diskubre na malakas ang dating nila bilang partner kaya itinuloy ito sa Dear Friend.

Magsisimula silang mapanood sa January 31, hanggang March na.

Si Direk Topel Lee ang humawak nito.

* * *

Kung noon dedma-dedma lang ang mga tao sa orchestra at iilan lang ang nakaka-relate, hindi na ganito ngayon. Simula ito nang makilala ang FILhar­moniKa, ang pinaka-in demand na orchestra sa bansa under the leadership ng music director na si Gerard Salonga na nabuo noong 2005.

Binubuo ang grupo ng mga de-kalibreng musicians na unang nakilala noon bilang Global Studio Orchestra.

Hanggang noong 2006 nagsimula ang grupo ng studio recordings entitled Musika Natin.

At noong 2008, nagbago sila ng direction.

Nagkaroon sila ng collaboration sa mga malalaking concert nina Martin Nievera, Lea Salonga, Ogie Alcasid, at marami pang iba.

Dahil doon, mas na-appreciate sila ng maraming con­certgoers.

Ngayon hindi na lang sila sa concert scene naririnig, pinasok din nila ang teleserye - Tanging Yaman at Kung Tayo’y Magkakalayo at nag-perform din sila ng theme song ng And I Love You So ng Star Cinema.

Dahil sa ABS-CBN sila na-identify, natanong si Gerard kung exclusive sila sa Kapamilya Network. Pero mabilis ang sagot ng kapatid ni Lea Salonga. Ang ABS-CBN daw kasi ang kumu­kuha sa kanila.

Anyway, walang competition sa kanila ng kapatid niyang si Lea hindi tulad noong mga bata pa sila na parang nakaalalay lang siya sa kapatid na inter­national singer. Naka-graduate siya sa Berklee College in Music in Boston kung saan siya nag-summa cum laude noong 1998 at makatanggap siya ng con­­tem­porary Writing and Production Achievement award. Hanggang nagsunud­-sunod na ang kanyang trabaho.

Nakapag-perform na rin siya sa maraming bansa kasama ang Hong Kong Philharmonic Orchestra, Bangkok Symphony Orchestra, at marami pang iba.

At ngayon, sosolohin ng FILharmoniKa ang stage sa kanilang gagawing first symphonic season sa PhilAm Life Theater kasama ang top rate artists   - ang world’s greatest cellists Richard Bamping sa April 17 para sa Dvorak’s Cello Concerto and international renowned pianist Cecile Licad sa July 2 and 3 para sa Gershwin’s Piano Concerto.

Mapapanood sa Net 25 ang nasabing concert kaya may chance ang marami na ma-experience ang bonggang concert nila.

* * *

Mukhang na-hurt ng sobra si Angelica Panganiban, na bida sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Rubi, sa mga pang-iinsulto ng mga fans niya sa kanyang Twitter account.

Heto ang sample ng kanilang con­ver­sation:

 @skinny_anikha: @angelpanganiban —anu ba natapos mo college grad ka ba? degree holder ka ba? pwe kapal mo naman! thriller kasi pangit ung show mo!-sobrang pangit..

Sagot ni Angelica?

Parang ikaw. kohm madami talagang inggiterang palaka!-nakakawalang gana magpsaya ng tao. Ma delete ng tong acct ko.

Grabe mga tao.. Sana masaya na sya. Nasaktan ako dun. Kaloka. Mami-miss nyo din ako.

“Salamat sa lahat ng rumespeto sakin dito. Sana pagpatuloy nyo yan sa mga kaibigan ko. Sana din maging leksyon to sa ibang tao. 2 minutes ago from UberTwitter.

“Pero ang ibang tao, walang ginagawa kundi pasakitan ang mga TAONG nasa telebisyon. tao kami! may puso kami!!nagpapakapagod para sa INYO!” emote ng aktres na isa sa super sipag na mag-tweet.

 Pero hindi talaga maiwasan na may mga taong walang magawa at gustong makasakit ng damdamin ng kapwa.                                                                       

Show comments