Imelda tumangging ginagamit si Mommy D.

Isang very emotional Imela Papin ang min­­san ay dinatnan ko sa bahay niya sa North Fair­view na nagri-react sa column ng isang ka­­sa­mahan sa hanapbuhay. Sinasabi kasi sa column na ginagamit niya sa kanyang political career ang ina ng Pambansang Kamao (Man­ny Pacquiao) na si Dionisia Pacquiao o Mommy D.

 “It was so unfair na sabihan niya ako ng ganun. Ang ginawa ko lang naman ay makipag-duet kay Mommy D., i-record ang duet sa States at pagdating dito ay i-launch ito. May masama ba dun?

“It was a gesture of gratefulness and appreciation dahil bu­ong ningning niyang sinabi na idolo niya ako at alam niya lahat ng kanta ko. Wala ako dito nun, nasa States pero nakarating sa akin ang balita,” pagtatanggol ni Imelda.

Hindi lamang sa radio mapapakinggan ang duet nina Imelda at Mommy D. Inilunsad sa SOP Fully Charged nung Linggo ang pinamagatang Bakit na kasama sa bonus track ng album ni Imel­da na may kapareho ring pamagat.

Bagama’t matagal nang iniidolo ni Mommy D. ang tinaguriang Undisputed Jukebox Queen, nagkakilala lamang sila nang pumunta ng Las Ve­gas ang ina ni Manny para suportahan ito sa laban niya kay Miguel Cotto. Ipi­nasundo siya ni Imelda sa isang limousine at dinala sa New Orleans Hotel na kung saan ay tumutuloy si Imel­da at sabay silang nag-dinner.  

Guest din si Mommy D. sa post-birthday concert ni Imelda sa Jan. 30 na pinamagatang One Special Celebration na gaganapin sa Aliw Theater, 8 PM. Kasama rin sina Gloria at Ai­leen Papin, mga kapatid ni Imelda na umuwi pa ng bansa mula USA para su­portahan sa concert at kanyang paglahok sa pu­li­tika. Kasama pa rin ang UE Chorale at UE Silanganan DanceTroupe. Prodyus ito ng Alyansa ng OFW at Women Power sa di­reksyon nina Randy Rufino para sa stage at Jobert Sucaldito para sa TV.

* * *

Ayaw patulan ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista ang mga patutsada sa kanya ng kanyang kalaban sa pulitika. Maski na ang mga dokumento na ipinakikita nito sa publiko ay ayaw niyang patulan dahil black propaganda lamang ito at naglalayong siraan siya sa mata ng tao.

   “Maski ako hindi ko naiintindihan kung ano ang mga iyon. Ginagawa lamang niya para sa sarili niyang kapakanan. Ako, ibinibigay ko ang sarili ko sa mga taga-Lungsod ng Quezon, backed up by my 25 years of faithful service to them. Ito lamang, mas gusto ko ng positive campaign, ayaw ko ng batuhan ng putik,” sabi ni Bis­­tek sa blowout na ibinigay ng ma­triarka ng Regal Films na si Mother Lily Mon­teverde para kay Joy Belmonte, tatakbong katuwang na bise sa darating na eleksiyon.

* * *

Magsisilbing isang grand reunion ng mga Eigenmanns ang magiging kasal ni Ryan Ei­genmann sa ika-28 ng February na magaganap sa Coconut Pa­­­la­ce. Uuwi mula sa US ang kanyang amang si Mi­chael de Mesa kasama ang brother niyang si AJ. Ganun din ang mga grandparents niya na sina

Ed­­die Mesa at Rosemarie Gil at ilan pang ka­anak na sa US na rin naninirahan.

Sina Geoff Eigenmann at AJ Eigenmann ang mga tatayong best men.

Isang Christian wedding ang magaganap between Ryan and his bride, Cathy Bordalba.

Ang ilan pang Eigenmanns na siguradong magbibigay ningning sa pinakaimportanteng pang­yayari sa buhay ng groom to be ay ang aun­tie niyang si Cherie Gil, tiyu­hing si Mark Gil at ang pinsan sa showbiz na sina Andi Ei­­­­genmann, Max Eigenmann, Gabby Eigenmann, at marami pang iba.

Show comments