May deal na $366M! Jolie-Pitt hiwalay na!

Ang Hollywood super couple Brad Pitt at Angelina Jolie ay naghiwalay na at pumirma ng kasunduan na nagkakahalaga ng $366 million para na rin sa kanilang mga anak.

Ang pares na tinatawag na Brangelina ng kanilang fans at ng world press ay pumirma ng legal sa unang linggo ng buwang ito, ayon sa News of the World.

Ang agreement ay nagsasabing magkakaroon sila ng joint custody sa kanilang anim na anak — tatlo roon ay ampon — pero lahat sila ay titira sa aktres.

Ang mga mansyon sa France, New Orleans at California na parte ng pinagsamang ari-arian na umaabot sa $366 million ay sinasabing paghahatian ng pantay ng dalawang sikat na artista.

“The contract was like a tailor-made version of a pre-nuptial agreement except for an unmarried couple’s split,” ayon sa isang hindi nagpakilalang source.

“It seemed clear they want the world to know they’ll both play a part in the upbringing of the children.”

Isang pormal na pahayag ang inaasahan sa mga darating na araw, na siyang magtatapos sa ilang buwan nang espekulasyon tungkol sa relasyon na “on the rocks.” Nagsimula ang pagtitinginan ng dalawa sa set ng Mr. and Mrs. Smith, anim na taon na ang nakararaan.

Kung aaminin na ng Hollywood couple ang hiwalayan, ito na ang ikatlong public break-up ng 46-year-old na si Brad na ikinasal kay Jennifer Aniston noong 2005 at naunang naging engaged kay Gwyneth Paltrow.

Si Angelina, 34, ay hindi rin bago sa pakikipaghiwalay sa mga nakakasama. Nakipag-split siya kina Johnny Lee Miller noong 1999 at Billy-Bob Thornton noong 2003. (www. ninemsn.com.au)

* * *

 LOS ANGELES – Habang lumalaki ang tsansa nina Jeff Bridges at Sandra Bullock sa Academy Awards sa pagkakapanalo sa Screen Actors Guild Awards (SAG) kamakailan, ang blockbuster na Avatar naman ay hindi napansin.

Pero inaasahan pa rin ang 3D sci-fi film na makokopo ang best picture trophy sa Oscars sa Marso.

Para kina Bridges ng Crazy Heart, Bullock ng The Blind Side, at ang mga SAG supporting-acting honorees na sina Mo’Nique (Precious) at Christoph Walt (Inglourious Basterds), may rason para isipin na sa Oscar ceremony ay sila-sila rin ang mga mananalo. Silang apat na rin kasi ang nanalo sa nakaraang Golden Globe Awards.

Ayaw namang pangunahan ni Bullock ang bulung-bulungan.

“Shhhhh. Shhhhh. Shhhhh,” ang tanging nasabi ng best actress sa backstage tungkol sa tsansa niya sa Oscars.

Nanalo siya sa pagganap ng matigas na real-life mom na si Leigh Anne Tuohy na nagkupkop kay Michael Oher, isang future National Football League (NFL) player.

“I would be a hostess or a waitress or a house restorer before I ever considered myself an actor, because I never thought I was good enough,” dagdag pa ni Bullock.

Si Bridges naman na kahit nirerespeto sa industriya ay madalas malampasan sa mga nominas­yon sa mga major acting awards.

“I love being an actor — pretending to be other people and getting into the shoes of other folks,” sabi ni Bridges, na gumanap na country singer sa Crazy Heart. 

Show comments