Claudine at Mark pinagbati ni Raymart

Seen : Si Hermes Bautista ang pinalabas sa Big Brother House noong Sabado.

Scene : Ang walang takot na pag-amin ni Dionisia Pacquiao na maraming nanliligaw sa kanya ngunit hindi niya matandaan kung ilan. Wala raw siyang napupusuan.

Seen : Manugang ni Dionisia Pacquiao si Jinkee, hindi hipag. Mali ang sinabi kahapon ni John Lapus sa Showbiz Central.

Scene : Babalik na si US Ambassador Kristie Kenney sa Amerika. Mami-miss daw niya ang sunset sa Manila Bay. Big fan si Kenney nina Chris Tiu at Richard Gutierrez.

Seen : Ang wish ni Krista Ranillo na maging magician siya upang mawala na ang mga kontrobersiyal na isyu, mga isyu na siya rin ang may kagagawan.

Scene : Hindi convincing si Piolo Pascual sa pagganap na Ninoy Aquino sa Maalaala Mo Kaya. Hindi natural ang pag-arte ni Piolo.

Seen : Magkabati na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez. Si Raymart Santiago ang namagitan upang magkabati sila.

Scene : Magkasama sa Magkano Ang Iyong Dangal ang mag-inang Bing Pimentel at Sid Lucero. Ngayon ang premiere telecast ng bagong drama series ng Kapamilya network.

Show comments