Ariel at Gelli tuloy ang paglayas sa 'Pinas
Pinalagan ni Freddie Aguilar ang obstruction of justice charge na isinampa sa kanya ng NBI kaugnay ng umano’y pagkakanlong niya sa kanyang pamangking si Jason Ivler.
Technically daw, hindi sa kanyang Aguilar residence sa New Manila nasakote ang nagtatagong kaanak, kundi sa bahay ng ina nito at kapatid niyang si Marlene. Ayon sa folk singer, hindi niya kinukunsinti si Jason kung mapatutunayang nagkasala man ito, but the accusing finger should not be pointed at him.
Kung napanood n’yo ang Startalk exclusive kay Ka Freddie, sinadyang i-bleep ang isang binitawan niyang linya patungkol sa ilang tauhan ng NBI na nagdidiin sa kanya. Ito’y sa kabila pa rin ng pagpapahintulot niyang galugarin ang kanyang tahanan on the suspicion that Jason could be hiding there.
Samantala, marami ang nawindang sa ina ni Jason na si Marlene as to how she felt about her son’s criminal involvement and later, ang pagkakadakip nga rito. Paulit-ulit niyang itinuturo ang kanyang “defiance against America” based on a book she authored herself. Does she really think she’s THAT important to America?
Kabilang ba si Marlene sa who’s who para pag-aksayahan ng panahon ng US government? O, baka naman hanggang Da Who lang siya ng Startalk?
* * *
Isang veteran actress daw ang papanaw ngayong 2010 (knock on wood!), ito’y ayon sa prediksiyon ni Bro. Arman Cuban.
Ayon mismo sa manghuhula, siya rin ang nag-predict na yayao ang isang miyembro ng press na nakatalaga sa Malacañang. Ang tinutukoy niya ay si Ginoong Cerge Remonde.
Pero laging pambawi ng mga psychic na ito ay ang sandata ng taimtim na pagdarasal upang maiwasan ang mga kahindik-hindik na kaganapan. And to that, we pray na sana’y sumablay ang hula nila.
* * *
Career or no career ay kasado na ang pagma-migrate ng mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen with their two kids sa Canada. Hindi naman daw for good ang pananatili nila sa bansang pinagmulan ni Ariel.
Mas magandang edukasyon lang daw para sa kanilang dalawang anak ang kanilang pakay roon, not even to look for a lucrative job. Besides, meron pa rin naman silang pamilyang uuwian dito sa bansa like Gelli’s Mommy Susan and sister Janice.
While most stars opt to take the political route bago malaos, iba ang mag-asawang Ariel at Gelli who prioritize their family above any other alternative career that life has to offer.
* * *
PERSONAL: Happy birthday to Gorgy Rula and Kuya Alfie Lorenzo bukas. Kagabi ginanap ang party ni Tito Gorgy sa Kaboom Bar sa Timog Ave., Quezon City. Isa sa mga early gift givers ay si Kris Aquino. As Tito Gorgy puts it: “Panalo!”
- Latest