Sobrang interesado ang aktres na ito sa isinusulong ng party-list group na I-IBAA na magkaroon ng expiration ang pagsasama ng mag-asawa. After 10 years, kung gusto pa nilang magsama, puwede nilang i-renew ang kanilang marital vows. Inalam ng aktres kung batas na ito at kung ano pa ang ibang provisions tungkol dito.
Masaya, pero controversial ang married life ng aktres at sa tuwina na lang ay may gulo ang pagsasama nila ng kanyang equally controversial husband at ilang beses muntikanang maghiwalay, kaya siguro interesado ang aktres at tiyak na isa siya sa susuporta.
Pero siguradong hindi papayag ang pamilya ng aktres at pamilya na rin ng kanyang husband na mauwi sa hiwalayan ang exciting at magulo nilang married life.
* * *
Hindi pala ang The Last Prince ang magiging huling show ni Carmina Villaroel sa GMA 7 dahil may nagtsika sa aming magre-renew na ito ng kontrata sa Kapuso Network for another two years. Nagulat kasi ang fans ng aktres sa nasulat ni Alfie Lorenzo na ibinalita sa kanya ni Carmina na may offer sa kanya ang TV5 para sa isang talk show.
Nabanggit din kasi ni Carmina na makikipag-meeting na siya sa TV5 para pag-usapan ang offer na talk show sa kanya. Gustong alamin ng fans nito kung kasamang in-offeran din ng TV5 sina Janice at Gelli de Belen na kasama ni Carmina sa Sis ng GMA 7.
* * *
In-e-mail sa amin ni Jennifer Melencion ang link sa youtube kung saan, nag-comment at pinuri ng international composer na si Dawn Thomas ang magandang version nina Jennylyn Mercado at Janno Gibbs ng kanyang If I’m Not In Love (With You) na kasama yata sa album ni Jennylyn sa GMA Records.
Napanood ni Mr. Thomas sa youtube pa rin ang performance nina Jennylyn at Janno sa SOP at agad itong nag-post ng comment.
Sabi ni Mr. Thomas: “ Hi Jen & Janno! Today is the first time I saw this video and watched your performance. I was so moved. This is truly how the song should be done. Your version was far better than any I’ve heard. I’m interested in knowing who arranged it. Beautiful job by all involved. Would love to hear you sing more of my songs.”
* * *
Walang personalan ang rule ng mag-inang Jean at Jennica Garcia na magkasama sa TV remake ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita na magpa-pilot na bukas sa GMA 7. Hindi lang confrontation scenes ang gagawin ng mag-ina, may sampalan pa na kailangan sa eksena.
Ipinagmamalaki ni Jean si Jennica dahil nakakasabay sa aktingan sa kanya at hindi nagpapatalo.
“Pinabibilib niya ako, lumalaban ang bagets sa mga eksena namin at kung may iyakan, talagang iiyak siya. ‘Yun naman ang gusto ko, ilabas niya ang natural na acting niya. Bilang ina, gusto ko siyang suportahan, pero paano kung magka-eksena kami? So far, hindi niya ako ipinapahiya,” wika ni Jean.
Matagal ng pinangarap ni Jennica na maka-face off ang ina sa drama at ngayong dumating na ang chance na ‘yun, hindi niya sasayangin ang pagkakataon. Hindi raw siya magpapatalo sa ina, pangako ni Jennica at nagpapasalamat sa tulong ni direk Gil Tejada.