Inamin ni Jean Garcia na nakikipag-date siya ngayon but not exclusively. Sa puntong ito ng kanyang buhay, isang seryosong relasyon na ang hanap ng magaling na aktres. Ayaw na niyang mag-aksaya pa ng panahon sa pakikipagrelasyon for the sake of just having a partner. Kung hindi nila kayang ibalik ang pamamahal na ibinibigay niya, huwag na lamang daw.
“Nakakahaba ng hair na marami pa rin ang nagkakagusto sa akin. Open naman ako sa pakikipag-relasyon pero gusto ko, seryosohan at pantay na pagmamahal,” sabi niya.
O, kayo kaya n’yo ba ang demand niya?
* * *
Nakaka-impress na wala palang security ni isa man lang ang kumakandidato sa pagka-vice president na si Edu Manzano at dating chairman ng Optical Media Board (OMB).
Bakit daw siya magse-security eh wala namang dapat i-secure sa kanya. Ang buhay niya ay bukas sa publiko na parang isang libro.
Kabilib-bilib din yung pagpapahalaga niya sa edukasyon kung kaya puwede lamang mag-artista ang kanyang mga anak kapag tapos na sila ng pag-aaral. Dalagita na ang isa sa kanyang mga anak at dahil maganda, marami na itong tinatanggap na offer hindi para mag-artista kundi para gumawa ng komersiyal pero tulad nun kay Luis Manzano, pag-aaral muna ang dapat harapin. Kapag nakatapos sila, bahala na sila kung mag-aartista pa sila o hindi na.
* * *
Kinukuha raw ng kabilang istasyon si Marian Rivera? Pero hindi kabilang ang ABS-CBN kundi TV5.
Kung sabagay, nasa artista ‘yan. Kung makukuha sila ng iba, bakit ba hindi.
Talagang pinalalakas ng bagong pamunuan ang TV5. Malalaking artista ang gusto nilang makuha.
Goodluck sa kanila.
* * *
Sa atin kapag sinabing mature role, ibig sabihin lang may pagka-bold at sexy ‘yun.
Ito ba ang maaasahan natin sa napaka-wholesome actor na si Rayver Cruz na isa sa kapareha ni Bangs Garcia sa launching project nito na Magkano Ang Iyong Dangal na dinidirek ni Chito Roño para sa TV?
Pero teka, paano na lang ang pagli-link sa kanila ni Sarah Geronino?
Inaasahan ni Rayver na after this series. ituturing na siyang isang importanteng artista ng ABS-CBN. Although enjoy siya sa pagsasayaw niya, gusto niyang mailagay sa test ang kanyang acting and singing.