Isang TV host ang nakapag-comment off-camera that Jason Ivler is the Hubert Webb of this generation.
Tulad nang alam ng lahat, both Jason and Hubert are facing murder charges, the latter having been involved in the high-profile Vizconde massacre case more than 15 years ago.
Depende sa treatment, Ivler’s story can make for a good Carlo J. Caparas’ return to the genre of gore and mayhem, huwag lang sanang i-glorify ang evil deeds over what is obviously right and righteous.
* * *
Despite the unexplained ban imposed on him, isusulat at isusulat pa rin daw ni Ricky Lo si Kim Chiu in his Philippine Star column on a positive note. Katuwiran ng respetadong editor cum TV host, he sees no reason para hindi bigyan ng espasyo ang bida ng Paano Na Kaya? sa kabila ng Star Magic ban sa kanya.
Initially on a casual phone talk with Tito Ricky, ipinagtataka pa nga raw niya kung bakit Mr. Johnny Manahan and his assistant have ordered the ban. “Personally, hindi ko naman sila kilala,” sey niya. Wala rin daw natatandaan si Tito Ricky na naisulat against Kim or any of Star Magic artists na dapat ikadismaya ng mga namamahala nito.
Be that as it may, klaro ang nais iparating ni Tito Ricky: “Kung ‘yun ngang mga presscon na imbitado ako, hindi ako nakaka-attend, ‘yun pa kayang hindi ako imbitado?”
Short of saying, hindi kawalan ang Star Magic. Ang hindi nga lang na-realize ng departamentong ito ng ABS-CBN, it has antagonized a long-time friend of the network president herself, Ms. Charo Santos-Concio. Higit dito, isang institusyon sa entertainment media ang binangga ng mga “powers-that-be.”
* * *
Pruweba na umaariba ang Showtime ng ABS-CBN ay ang attempt at spoofing the program via Snowtime (winter edition?) na itinatag ng mga bida ng Everybody Hapi ng TV5. In this Sunday’s episode, EH cast members John Estrada, Roxanne Guinoo, Long Mejia, and Alex Gonzaga, all certified fans of Talentadong Pinoy, come up with a show.
From comedy, TV5 dishes out dance musical via Shall We Dance? Kung saan ang maglalaban-laban sa dance floor ay sina Gracia, Juliana Palermo, at Joanne Quintas. Simula na rin ng pinakabagong dance contest dubbed as Super Showdown.