MANILA, Philippines - Sawa na ba kayo sa mga dating paraan ng pagpapaganda o beauty regimen? Nais n’yo bang gulatin ang inyong mga kakilala’t kaibigan sa pamamagitan ng isang ’bagong ikaw’?
Watch kayo ng Life and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Linggo sa QTV-11 mula alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga dahil usapang-kagandahan ang itatampok.
Nag-imbita ang host-producer na si Mader Ricky ng mga sikat na panauhin para makatsikahan tulad ng mga Starstruck members na sina Rich Asuncion, Dion Ignacio, at Dex Quindoza na sasampulan ang mga bago at pinakamainit na ‘gadgets’ na pampabyuti at pampapogi.
Pagsasayaw ang hilig at libangan ng Dance Divang si Regine Tolentino at Sexbomb Aira Bermudez. Kasaliw si Rich na isa namang beauty queen ay magpapakita sila kung paano masarap mag-Belly Dancing at Pole Dancing na mabilis magpababa ng timbang. May gagawin din silang madadaling ehersisyo na nakakaliit ng iba-ibang parte ng katawan.
Ayon kay Mader Ricky, ”Magandang excuse sa mga lalake’t babae ang pagsapit ng isang bagong taon para magsikap na magkaroon ng bagong anyo. Siyempre, di lang ayos ng buhok o pananamit ang dapat baguhin. Tiyempo na rin ito para magpaganda ng katawan at muling magkaroon ng self confidence na tila nagbababoo pag sumobra ang katabaan o kapayatan ng isang tao.”