^

PSN Showbiz

Anim na direktor napili para sa ambisyon 2010

-

MANILA, Philippines - Ginawaran ng ABS-CBN News Channel (ANC Skycable Channel 27) kamakailan lang ang anim na baguhang direktor na babahagi sa proyektong amBisyon2010, kung saan gagawa sila ng maiikling pelikula tungkol sa iba’t ibang isyu sa bansa tulad ng korupsiyon, populasyon, ekonomiya, demokrasya, at karapatang-pantao.

Ang amBisyon2010 ay konsepto ng mga direktor na sina Emman Dela Cruz at Paolo Villaluna na naglalayong ipakita ang kalagayan ng Pilipinas mula sa perspektibo ng 20 direktor.

Kasama nina Dela Cruz at Villaluna, naghayag na ng pagsuporta sa pro­yekto ang mga kilalang director na sina Jeffrey Jeturian, Erik Matti, Dit­si Ca­rolino, Kiri Dalena, Henry Frejas, Jade Castro, Ellen Ramos, Jon Red, Jerrold Tarog, John Torres, at ang mga nanalo sa Cannes Film Festival na sina Brillante Mendoza at Raymond Red.

Ang huling anim na slots naman ay ibinigay kina Anna Matutina, Pam Miras, Aissa Penafiel, Emerson Reyes, Gym Lumbera and McRobert Na­cario na napili mula sa 80 aplikante nina ABS-CBN News and Current Affairs head Maria Ressa, Philippine Independent Filmmakers Coo­perative chairman Dr. Clodualdo del Mundo, at ang publisher at critic na si Erwin Romulo.

Ipalalabas ang mga pelikula ng amBisyon2010 sa telebisyon at pinilakang-tabing bago maghalalan.

Pumunta lang sa www.abs-cbnnews/ambisyon2010 para sa pinakabagong balita sa ambisyon2010.

AISSA PENAFIEL

ANNA MATUTINA

BRILLANTE MENDOZA

CANNES FILM FESTIVAL

DELA CRUZ

DR. CLODUALDO

ELLEN RAMOS

EMERSON REYES

EMMAN DELA CRUZ

ERIK MATTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with