^

PSN Showbiz

Role ni Jodi inaapela

- Veronica R. Samio -

Bagamat hindi na natin sila kapiling ngayon, hindi malilimutan ng sambayanan ang kabayanihan at mga sakripisyong nagawa ng dalawang maituturing na most prolific people in our history, sina dating senador Ninoy Aquino and former president Cory Aquino.

May two-part series na ginawa ang Maa­laala Mo Kaya na mapapanood ang unang bahagi ngayong gabi sa ABS-CBN tungkol sa kuwento ng wagas nilang pag-iibigan. Saan nga ba nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa? Ano ang kanilang mga pinag­daanan? Lahat nito mabibigyang kasagutan simula ngayong gabi.

The two-part series is headlined by Piolo Pascual as Ninoy and Bea Alonzo as Cory. They are supported by an ensemble cast of acclaimed actors. Jeffrey Jeturian directs from the script of Joan Habana.

Marami ang nagtatanong kung bakit hindi na lang si Kris Aquino ang gumanap ng sarili niyang role sa halip na si Jodi Sta Maria. Hindi sa tinatawaran ang ka­kayahan ni Jodi na maging Kris pero sabi ng naka­karami, mas maganda kung si Kris na lang ang guma­nap ng present Kris, in a guest performance.

* * *

Pormal nang nanumpa ang bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) nung Huwebes ng tanghali, ika-21 ng Enero, 2010, sa harap ni Senator Manny Villar.

Pinangunahan ng bagong halal na pangulong si Melba Llanera, ang bagong pamunuan ng PMPC na binubuo nina Mell Navarro (Vice President), Mildred Bacud (Secretary), Rodel Fernando (Asst. Secretary), Boy Romero (Treasurer), Robert Pangis (Asst. Treasurer), Rommel Galapon (Auditor) at Sandy Es Mariano (PRO). Ang Board of Directors ay bi­nubuo nina Eric Borromeo, Blessie Cirera, Rol­dan Castro, Fernan de Guzman, Monching Jaramillo, Gerry Ocampo, at Rommel Placente.

Sa pagsisimula, hangad ng bagong pamunuan ang pagkakaisa, ang suporta at tulungan ng bawat miyembro, at ang pagtatagpo sa isang layunin : ang mabigyan ng magandang pangalan ang isang samahan sa kabila ng intriga at mga hamong dumarating.

* * *

Ipinagmamalaki nina Gerald Anderson at Kim Chiu ang balik-pelikula nilang Paano Na Kaya na ipalalabas ngayong January 27.

Kabado ang dalawa dahil medyo matagal na rin since ginawa nila ang I’ve Fallen For You pero, confident sila na magugustuhan ng manonood ang istorya ng dalawang mag-best friends na na in love sa isa’t isa.

vuukle comment

ANG BOARD OF DIRECTORS

BEA ALONZO

BLESSIE CIRERA

BOY ROMERO

CORY AQUINO

ERIC BORROMEO

FALLEN FOR YOU

GERALD ANDERSON

GERRY OCAMPO

JEFFREY JETURIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with