Jackie Rice retokada ang katawan

Walang inggit na nadarama si Jean Garcia kapag sinasabing mas magaling na artista sa kanya ang anak niyang si Jennica Garcia. Dumating na siya sa punto na alam na niya ang kinalalagyan niya bilang artista at appreciated naman niya ang paggalang na iniuukol ng tao sa kanyang talento.

 “Bakit ako maiinggit eh anak ko ’yan? Proud nga ako dahil kanino ba niya namana ang talento niya? Kung sasabihin n’yo na sa daddy niya, eh okay lang.

Basta ang mahalaga, magaling siya, hindi siya banong umarte,” pagmamalaki ng aktres na kasama ang anak sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? na pinaka-bagong serye ng GMA 7.

Proud ako kay Jean dahil galing ng That’s Entertainment ’yan.

Nang mawala ang That’s naging co-host pa ng GMA Supershow. Bilang host, magaling siya. At maski na anong ipagawa mo sa kanya, pakantahin mo man o pasayawin, nag-i-excel siya. Hindi na ako nagtaka nang maging magaling siyang artista.

Napaka-humble niya na sabihing nagmana kay Jigo Garcia, dati ring taga-That’s at ama ni Jennica, ang talento ng anak.

* * *

Iniintriga naman ngayon si Jackie Rice. Nung hindi siya aktibo sa kanyang pag-aartista, ang daming nanghihinayang dahil pinababayaan daw niya ang career niya. Ngayong aktibo siya ay kung anu-ano namang pintas ang naririnig tungkol sa kanya.

Marami ang kumbinsido na retokado ang katawan niya. As if naman nag-iisa siyang retokada kung nagparetoke man siya. ’Di ba ang mahalatang maganda siya at kung pinaganda man siya ng sensiya, eh ano? Obligasyon niya bilang artista ang maging maganda palagi sa mata ng mga tao.

* * *

Si John Lloyd Cruz nga ba ang itinuturing na dahilan ng paghihiwalay nina John Prats at Shaina Magdayao? Madalas kasing makitang magkasama ang dalawa ngayon at sinasabi pang drinking buddies sila.

Baka naman mabilis lang umandar ang ating imahinasyon. Baka naman kino-console lang ni Lloydie si Shaina dahilan sa break-up nito kay John. Let’s all give them the benefit of the doubt. Kapag pinayagan na silang ma-interview, saka natin alamin ang totoo.

* * *

Bakit kaya bigla, ang dami-daming guesting ni Zoren Legaspi? Akala ko after Shake Rattle & Roll XI ay mananahimik na naman siya. Nakuntento na lamang sa pagdidirek. ’Yun pala, simula na ng kanyang pagiging aktibong muli.

Mabuti naman dahil sayang din ’yung kikitain. Kilala naman siyang artista, nagtataka nga ako kung bakit nawala siya at nakuntento na lamang sa pagdidirek.

Now that he’s back, baka mari-realize na niya ang napakaraming pera na pinakawalan niya.

Ano na kaya ang progress ng project nila ni Rustom Padilla, ay BB Gandanghari pala? ’Di ba si Robin ang producer nito?

Show comments