^

PSN Showbiz

Sarah walang planong layasan ang pamilya

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nag-react si Mommy Divine Geronimo sa issue na nagrerebelde na ang anak niyang si Sarah at gusto na nitong bumukod ng tirahan.

“Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang kuwen­tong ‘yan. Walang ganyang plano si Sarah,” ku­wento ni Mommy Divine nang makatsikahan namin kahapon sa Shangri-La Hotel. Andun si Sarah at ang tatay nito at obvious na affected ang mag-asawa sa bagong issue sa kanilang anak.

Halos atakihin nga raw sa puso ang isang kamag-anak nila sa probinsiya dahil sa nasabing kuwento.

“Sana naman, maitama nila ang kuwentong ‘yun. Hindi ‘yun totoo. Paano naman bubukod si Sarah eh sama-sama silang magkakapatid na ma­tulog sa isang kuwarto. Minsan, lahat kami magka­kasama sa kuwarto,” susog ng daddy ng box office queen.

Samantala, finally nagkita na sina Sarah at Ms. Joy Belmonte kahapon. True nga pala, may hawig ang dalawa. Kasama sa nasabing special tsikahan    nina Sarah at Ms. Joy bukod sa pa­rents ni Sarah sina Boss Vic del Rosario, anak ni Boss Vic na si Vincent, Mr. Miguel Bel­monte, president - Star Group of Publications, at siyempre ka­pa­tid ni Ms. Joy.

Bilib si Boss Vic sa nagawa ng tatay nina Ms. Joy at Sir Miguel, si Mayor Sonny Belmonte sa Quezon City at maging sa kakayahan ni Joy kaya all out ang magiging suporta ng box office queen sa kandidatura ni Joy sa pagka-bise alkalde ng Quezon City.

BOSS VIC

DIVINE GERONIMO

JOY BELMONTE

MIGUEL BEL

MOMMY DIVINE

MS. JOY

QUEZON CITY

SARAH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with