^

PSN Showbiz

LT babawi na lang sa mga anak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Kahapon ang induction ng mga bagong officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at si Sen. Manny Villar ang kanilang inimbitahan para manumpa.

Natuwa si Papa Manny sa pagpapahalaga na ibinigay ng PMPC kaya binuksan niya ang kanyang Laurel Mansion para sa showbiz press.

Ang Laurel Mansion ang naging venue ng panunumpa ng mga bagong opisyales ng PMPC sa pangunguna ng kanilang bagong halal na pangulo, si Melba Llanera.

Si Papa Manny din ang napipisil ng Entertainment Press Society (ENPRESS) sa kanilang induction sa susunod na buwan. Si Jun Nardo naman ang newly-elected president ng ENPRESS.

Na-touch uli si Papa Manny sa imbitasyon ng ENPRESS. Alam ni Papa Manny ang malaking contribution ng showbiz press sa entertainment industry kaya pinahahalagahan niya ang mga reporters.

Hindi idine-deny ni Papa Manny ang mala­king tulong sa kanya ng entertainment press nang kumandidato siya noon na senador. Kahit hindi panahon ng eleksiyon, regular ang paki­kipagkita ni Papa Manny sa showbiz press.

Hindi siya katulad ng ibang mga pulitiko na naalala lang ang mga showbiz reporters tuwing panahon ng eleksiyon. Halatang-halata ang kanilang motibo at pinaiiral na personal na interes.

* * *

Nagbabakasyon sa Hong Kong ang magka­kaibigan na sina Lorna Tolentino, Amy Austria, Sandy Andolong, Lyn Cruz, at marami pang iba.

Kasama ni LT ang kanyang mga anak na sina Raphe at Renz. Nag-birthday si Renz noong September pero dahil busy si Lorna sa taping ng Dahil May Isang Ikaw, hindi niya naipaghanda ang kanyang bunso.

Babawi si LT sa kanyang mga anak sa Hong Kong at Macau trip nila. Grand vacation ito para kay LT na napagod sa kaiiyak sa mga eksena niya sa nagwakas na teleserye ng ABS-CBN.

AMY AUSTRIA

ANG LAUREL MANSION

DAHIL MAY ISANG IKAW

ENTERTAINMENT PRESS SOCIETY

HONG KONG

JUN NARDO

LAUREL MANSION

LORNA TOLENTINO

PAPA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with