Krista hindi seryoso sa kanyang mga interview

Nakakatuwa na paunti-unti ay nari-realize na ang dream ko na makitang City of Stars ang Quezon City. 

Sa tulong ng QC Council, nagkaroon ito ng katu­paran at nabigyan pa ng sariling araw niya ng pagdiriwang.

Ngayon naman ay pangunahing proyekto ito ng tumatakbong tandem nina Vice Mayor Herbert Bautista at Joy Belmonte.

Ganito rin ang inaasahan kong mangyari sa Me­tropolitan Theater sa Maynila.

Salamat sa inyong lahat. 

* * *

Hindi lamang naman pala kami nagkaintindihan ni Vice Mayor Herbert Bautista nang sabihin kong ilalagay ko siya sa Walk of Fame Philippines na matatagpuan sa Eastwood Libis. Bagaman at tinanggap niya ang imbitasyon ko na mailagay sa nasabing lugar bilang achiever resident ng Lungsod ng Quezon, akala ko ay nagtatampo siya dahil hindi ko pa rin napagbibigyan ang kahilingan niyang maisama rito ang kanyang ama na isa ring dating artista.

* * *

Nagpapa-interview na si Krista Ra­nillo tungkol sa isyu sa kanila ni Manny Pac­quiao. At least may mga isyu siyang nalilinaw. Ang ayaw ko lamang ay parang hindi siya seryoso sa kan­yang mga sagot. Hindi ko rin alam kung natatawa siya o pinagtatawanan ang kanyang mga sinasabi.

Para tuloy pinaglalaruan lamang niya ang isyu. Ayaw ba niyang malinis ang kanyang pangalan at pagkatao?

Ngayon na ang panahon na maituwid niya ang lahat, at sana gawin niya ito sa isang seryosong pamamaraan.

* * *

Naging isyu tuloy yung balak ni Dingdong Dan­tes na bigyan ng closure ang relasyon nila ni Ka­rylle. Kung sabagay bakit pa? Sana nung bagu-bago pa lamang silang naghihiwalay, nung pana­hong panay pa ang deny nila ni Marian Rivera ng kanilang relasyon. 

Ayaw daw at hindi payag si ZsaZsa Padilla na kausapin siya. Siguro nga feeling nito, wala nang dahilan. At hindi pa rin naman handa si Ka­rylle na kausapin siya. 

Siguro, huwag na lang. Tutal nga he has moved on. At nasa prosesong ito pa lamang si Karylle.  

Show comments