Roxanne hindi kinayang bumigay sa Dangal, Bangs nakinabang

MANILA, Philippines - Bida na si Bangs Garcia. Pero imbes na mag­madali sanang mag-attend ng presscon ng kanyang kauna-unahang mapaghamong pagganap, late siya.

Marami tuloy ang hindi nakapaghintay sa kanya.

Nauna nang dumating sina Rayver Cruz at Sid Lucero na magpapakita rin ng kanilang husay bilang mga aktor sa bagong handog ng ABS-CBN sa hapon, Magkano ang Iyong Dangal simula January 25.  

Unang nasilayan si Bangs nang maging runner-up sa isang reality contest ngunit na­kilala at napansin ang talento sa pag-arte nang ma­pasama sa show na Let’s Go, Gokada Go at Your Song kaya nabig­yan pa ng malaking role sa action series na Palos, kung saan hinangaan siya at na­sundan na nga ito ng marami pang assignment tulad ng Precious Hearts Romance, Katorse at Kambal sa Uma. Gaganap siyang Carmela, isang ma­bait at masunuring anak na gagawin ang lahat alang-alang sa minamahal sa kan­yang bagong assignment.  

Hindi si Bangs ang original choice sa nasabing role kundi si Roxanne Guinoo. Pero dahil sa personal na reason, nagdesisyon daw si Roxanne na huwag ituloy ang nasabing teleserye dahil hindi nito maka­kaya ang mga grabeng lovescenes at lampungan na kailangan sa teleserye.

“Pero ok lang. Mas fresh si Bangs,” sabi ng isang executive ng ABS-CBN.

Sasabak naman si Rayver sa pang mas ma­tan­dang role. Daring. Nakilala ang binata sa dating grupo na Anime at gumanap na isa sa mga bida sa para­normal series na Spirits, sa fantaseryeng Rounin at nakasama rin sa May Bukas Pa

Paborito naman ng mga indie filmmakers si Sid Lucero at dahil sa angking husay sa pag-arte, marami na siyang natanggap na awards kabilang na ang Best Actor mula sa respetadong award-giving bodies na Gawad Tanglaw at Gawad Urian Awards at ang Breakthrough Performance by an Actor mula sa Golden Screen Awards

Maiinit ang mga eksena sa Magkano ang Iyong Dangal kaya aabangan ito. 

Kasama rin sina Mickey Ferriols, Emilio Garcia, Bing Pimentel, Debraliz Valasote, Beverly Salviejo, Nikki Valdez, Paw Diaz, Bettina Carlos, Makisig Morales, Martin Rosario, Ella Cruz at Joshua Dionisio sa direction ni Chito Roño simula January 25. (SVA)

Show comments