^

PSN Showbiz

Sa kabila ng kamachohan, Derek takot sa karayom

-

MANILA, Philippines - Bawal pa rin palang mag-coffee si Angelica Panganiban. “Bawal yung coffee dahil sa heart problem ko. I have Wolff Parkinson White (WPW). It is a syndrome of pre-excitation of the ventricles of the heart due to an accessory pathway known as the Bundle of Kent. This accessory pathway is an abnormal electrical communication from the atria to the ventricles. WPW is a type of atrioventricular reentrant tachycardia sa Wikipedia,” sabi ng aktres na sumasama palang mag-golf sa boyfriend niyang si Derek Ramsay.

Kape ang karaniwang pantanggal sa antok ng maraming artista lalo na kung magdamagan ang taping.

Speaking of Derek, maligaya ang aktor dahil finally, ipalalabas na ang Habang May Buhay nila ni Judy Ann Santos. Isa sa mga pinaka-bankable at in demand na leading men sa industriya, si Derek na ang tinagurian ngayong Universal Leading Man.

Isang Filipino-British, nakitaan si Derek ng posibilidad sa mundo ng showbiz kaya sunud-sunod ang kanyang naging mga proyekto, telebisyon man o pelikula, at ’di nagtagal ay naging isa sa mga pinakamaiinit na leading men ngayong henerasyon. Kamakailan lamang ay pinagbidahan ni Derek ang Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema na I Love You, Goodbye.

Siya rin ang isa sa paboritong male product endorser ngayon.

Marami rin ngayong natatakam sa katawan ni Derek. Pero suwerte si Angelica at napunta sa kanya ang aktor.

Nagsimula ang career ni Derek sa showbiz bilang isa sa mga hosts ng dating magazine talk show tuwing Sabado na Entertainment Konek sa ABS-CBN. Bukod sa pagiging mahusay na host ay hindi maikakaila ang angking husay sa pag-arte ng aktor. Matapos maging isa sa mga cast members sa Ang Panday at sa fantaseryeng Super Inggo, naging bida naman si Derek sa teleseryeng Ysabella bilang si Chef Mito katambal din si Judy Ann. Dito nagsimula ang tambalan nila ni Juday at kinakitaan sila ng chemistry na talaga namang pumatok. 

Sa kuwento ng kanilang bagong teleserye ni Juday, gagampanan ni Derek ang karakter ni Sam, ang matalik na kaibigan at kababata ni Jane Alcantara (Judy Ann). Pilit niyang kinalimutan ang kanyang nakaraan. Ngunit sa muling pagtatagpo ng landas nila ng taong pinagkakautangan, kakayanin ba niyang panagutan ang sugat ng nakaraan? Kung kapalit nito ay ang babaeng minamahal?

Kasama rin sa Habang May Buhay sina Rio Locsin, Tetchie Agbayani, John Arcilla, Gladys Reyes, Will Devaughn, Joem Bascon at sa natatanging pagganap ni Sid Lucero, sa ilalim ng direksiyon ni Wenn Deramas. Magsisimula itong mapanood sa Feb. 1.

Pero sa kabila ng kanyang kamachohan, takot pala sa karayom ang aktor kaya hanggang ngayon ay hindi siya makapagpa-opera sa tuhod na kailangang-kailangan nang gawin dahil sobrang sakit na raw ang nararamdaman niya.

“I’m scared of the fact that they’re going to cut me open. Hindi ako takot sa dugo, but the mere fact, I feel like I’m helpless and I feel like I’m useless,” sabi ng aktor.

Na-injure ang tuhod niya sa paglalaro ng Frisbee.

Matagal na niyang dini-delay ang nasabing operation dahil nga sa takot niyang magpabalik-balik sa hospital. (SVA)

ANG PANDAY

ANGELICA PANGANIBAN

BAWAL

BUNDLE OF KENT

CHEF MITO

DEREK

DEREK RAMSAY

ENTERTAINMENT KONEK

HABANG MAY BUHAY

JUDY ANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with