Matapos maudlut-udlot, Regine at Aga tuloy na ang shooting

Matutuwa ang mga naghihintay sa pelikulang balik-tambalan nina Regine Velasquez at Aga Muh­lach na Of All the Things dahil tiniyak ng Viva Films na maipapalabas ang nasabing peli­kula na Valen­tine’s Day presentation ng movie outfit.

Nasa CamSur ngayon ang dalawa at si Bb. Joyce Bernal para tapusin na ang pelikula na ilang buwan na ring sinu-shoot. Iba’t ibang dahilan ang narinig namin kung bakit hindi magtuluy-tuloy ang shooting, pero ’wag na tayong magbanggit ng pangalan dahil ang importante, tatapusin na ang pelikula para maipalabas sa Feb. 10 o sa Feb. 17.

Nangako raw si Regine na tatapusin ang shooting bago sila umalis ni Ogie Alcasid sa Feb. 1 para sa shows nila sa Qatar sa Feb. 4 at sa Feb. 5 sa Dubai.

* * *

Replica ni Darna mea­su­ring 20 inches ang Christmas gift ni Ding­dong Dantes kay Marian Rivera. Open nang iku­wento ng aktor ang regalo dahil naibigay na niya sa GF.

Nauna rito, niregaluhan ni Dingdong ng red folding Darna chair si Marian with matching emblem ng Darna at ginagamit ng aktres sa taping. Takaw-pansin ang chair lalo na ’pag nakaupo ang dalaga, para siyang reyna. 

Anyway, after Boracay at El Nido, ilang araw na namang magkakasama sina Marian at Dingdong dahil guests sila nina Regine at Ogie sa shows ng dalawa sa Qatar at Dubai shows. Dideretso sila sa Spain para madalaw na finally ni Marian ang kanyang ama at isasabay na rin ni Dingdong ang pagbisita sa tita niyang sa Spain na rin nakatira.

Samantala sa Darna this Wednesday, babalikan ng bidang superhero ang space ship, pero wala ito at humihigop ng tubig sa earth. Mawawalan ng power si Elektra (Regine) dahil tumalsik ang head dress. Dahil wala ng tubig, hihipan ni Darna ang clouds at biglang uulan.

* * *

Nakita sa isang Asian country ang aktor na nama­masyal kasama ang ilang kaibigan at non-showbiz friends. May press na nakakita sa aktor, pero hindi niya ipinakilalang GF ang kasamang girl, kaya lang, halata pa ring spe­cial sa kanya ang babae.

Ang alam ng press, galing sa angkan ng politi­cian from the south ang GF ng aktor at kan­yang dinadalaw ’pag wala siyang trabaho sa Manila. Habang nali-link sa mga naka­ka­pareha ang aktor, may non-showbiz GF na pala ito.

Siya rin ang aktor na nababalitang lilipat o ililipat ng kanyang manager ’pag nag-expire na ang kon­trata sa network niya ngayon. Tatapusin lang ng aktor ang bago niyang show at lilipat na.

* * *

Sa The Last Prince, itatakwil ni Ramil (Aljur Abre­nica) si Lara (Kris Bernal) dahil hindi sila bagay. Masasaktan si Lara at magsisisi si Almiro sa pagtaboy niya sa dalaga.

Mami-miss nina Lara at Bambi (Angelie Nicole Sanoy) ang ina nilang si Adela. Itutulak ni Gigi (Rita Iringan) si Bambi sa ilog at malulunod, pero ililigtas ni Almiro, kaya muling magkikita sina Almiro at Lara.

* * *

Masaya kami para sa colleague naming si Leo Bukas ng People’s Tonight dahil tinupad ni Ara Mina ang pangako sa kanyang bibigyan siya ng car. Last Saturday, ibinigay ni Ara ang 2009 Suzuki Celerio na kulay gold, silky silver metallic.

Pinapunta ni Ara si Leo sa bahay niya para mag-dinner at sinamahan ni Leo na maglibot ang aktres sa 2nd district ng Quezon City at pagdalo sa mga inductions at oath-taking.

Pagbalik nila sa bahay ni Ara, ibinigay nito ang susi ng car kay Leo na hindi makapaniwala, pero sabi ng aktres sasakyan ’yun ni Leo na matagal na niyang PRO. Sobrang touched si Leo na tinupad ng aktres ang pangako sa kanya ni Ara.

Show comments