Ariel at Gelli magma-migrate na lang sa Canada
“Mas magaling si Maja (Salvador),” sabi ni Coco Martin.
Ito na marahil ang pinaka-magandang papuri na maari mong marinig mula sa isang aktor na tulad ni Coco patungkol sa aktres.
Magkasama ang dalawa sa malapit na ring matapos na afternoon drama, ang Nagsimula sa Puso na kung saan nagsimula ang magandang samahan nila na maaari sanang humantong sa isang mas malalim na ugnayan, depende kay Coco.
“Naging malalim lang yung friendship namin ni Maja pero siguro hanggang dun na lang muna yun. May career kami na dapat bigyan ng atensiyon. Mabait si Maja, masayahin pero, malalim na artista. Kapag magkasama kami, nawawala yung Coco at Maja. Yung mga characters namin ang nabubuhay. Kaya naman marami ang nag-akala na puwedeng maging kami, dahil sa Nagsimula… naging kami at napaka-lalim ng aming naging relasyon. Dala-dala namin ang characters namin hanggang offcam. Ibang klase si Maja, para rin siyang nanggaling sa indie,” papuri niya sa kanyang naging kapareha.
After nagsimula, kasama naman si Coco sa Kung Tayo’y Magkakalayo na nagsimula nang umere kahapon.
* * *
Hindi na bago yung balitang magma-migrate na si Gelli de Belen kasama ang asawa niyang si Ariel Rivera at dalawa nilang anak na lalaki sa Canada na kung saan nagbuhat si Ariel.
Walang proyekto sa kasalukuyan si Gelli matapos ang ilang taong paghu-host ng SiS sa GMA 7 pero hindi ibig sabihin ay magtutuluy-tuloy na ito. Katunayan, may nakatakda siyang gawin na serye pero hindi pa niya puwedeng ibigay ang detalye nito.
Hindi naman itinanggi ni Gelli na talagang may plano sila na manirahan sa Canada. Andun ang pamilya ni Ariel, hindi naman as if they will be totally on their own. Meron namang tutulong sa kanila habang sinasanay nila ang sarili nila na mamuhay sa ibang lugar pero matagal pa ito, baka makalakihan pa ng dalawa nilang anak.
* * *
Nakakatuwa na sa halip na makaramdam ng kumpetisyon, very close sa isa’t isa sina Jaclyn Jose at Maxene Eigenmann, anak ni Mark Gil. May anak si Jaclyn kay Mark, si Andi na ka-close lahat ng kapatid niya. Magkatrabaho sa Kung Tayo’y Magkakalayo sina Jaclyn at Maxene at kahit hindi pa sila nagkakaeksena pero nakikita mo na maganda ang kanilang samahan, walang ilangan.
“Happy ako na pinasok din ni Max ang showbiz. Okay sa akin lahat ng anak ni Mark (Gil). Magmula kay Gabby (Eigenmann) hanggang sa bunso, basically sa akin sila lumaki. Lumalaki sila nung magkasama pa kami ni Mark. Sa kuwarto pa sila natutulog. I love them and they all love me until now. Pumupunta pa sila sa bahay.”
- Latest