Relasyon nauwi sa sumbatan, Kris umaming hiwalay na sila ni James!

MANILA, Philippines - Matinding rebelasyon at pagsagot sa isyu ang mga binitawan kahapon sa The Buzz ni Kris Aquino na pigil ang emosyon.

Sa mahabang paliwanag sa co-host na si Boy Abunda, inamin ni Kris na umalis na siya at ang dalawang anak sa bahay nila ng asawang si James Yap dahil ang feeling niya, siya lang ang nagsu­mikap na isalba ang marriage at ang mister, “not hard enough.” Nauwi na rin sa sumbatan ang mga huling argumento nilang mag-asawa.

“Nakiusap ako sa kapatid ko na si Pinky  (Abellada) na doon muna kami,” sabi ni Kris. “I’m not saying the marriage is over. Kailangan ko ng space for me.”

* * *

Wala namang malinaw na sagot at waring paiwas ang mga naging pa­hayag ni Krista Ranillo sa mga tanong sa kanya sa The Buzz kahapon.

Tulad nang banggitin sa kanya ang kumalat na video sa YouTube nang mag-guest si Manny Pacquiao sa Jim­­my Kimmel Live! show noong November 2009 pa. Sagot ni Krista: “I’m so sawa na to talk about it.”

Ang napabalitang buntis ang young actress ang halatang pinakanairita at affected siya. “I had to put it to rest kasi sobra na eh,” sabi ni Krista.

Show comments