Dingdong at Marian sa eroplano aabutan ng Valentine's Day
Sumama kami kay Dingdong Dantes sa San Fernando, Pampanga noong Sabado, na ginawa sa Bren Guiao Convention Center ang first leg ng nationwide Ayos Na! Movement na ang aktor ang lead convenor. Iikutin niya ang buong bansa para mag-organize ng 500,000 young volunteers na tutulong sa kampanya ni Sen. Noynoy Aquino.
Habang hindi pa nagti-taping ng Autumn In My Heart at bago umalis for Dubai para mag-guest sa show nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, sa Ayos Na! at Yes Foundation muna ang attention ni Dingdong.
Sa hectic ng schedule ni Dingdong, sa eroplano na sila magsi-celebrate ng Valentine’s Day ni Marian Rivera dahil baka pauwi na sila from Spain sa pagbisita sa father ng GF at tita niya. Dederetso sila sa Spain mula sa Dubai para samahan si Marian sa pakikipagkita sa ama.
“Hindi totoo” at “no truth to that” ang sagot ni Dingdong sa tsikang after Autumn In My Heart ay aalis sa GMA 7 si Marian at lilipat sa ABS-CBN. Bukod sa wala ring offer ang Channel 2 kay Marian para lumipat.
* * *
Sa tonong sobrang disappointed, nakapag-dialogue si John Prats ng “si Shaina (Magdayao) talaga” after makipag-break sa kanya ng aktres. May dagdag na comment pa ang aktor na hindi na namin isinulat para hindi madamay ang ibang tao na ’di naman involved sa relasyon nila ng ex-GF at nagkataon lang na Kapamilya ni Shaina.
November pa nag-break sina Shaina at John, pero ngayon lang umingay dahil natukoy na si John Lloyd Cruz pala ang third party at rason nang pakikipaghiwalay ng aktres kay John.
Hindi pa nagsasalita ng bonggang-bongga ang tatlo sa kontrobersiyang ito, although nasusulat na ang sightings kina John Lloyd at Shaina kabilang ang pagha-hang out daw nila sa isang resto sa may Katipunan kung saan din nakita sina John Lloyd at Cristine Reyes dati. It seems favorite resto bar ito ni John Lloyd.
- Latest