Shaina naiimpluwensiyahan ng dyowa ng kaibigang aktres

Negative na pala ang dating ng mga ginagawa pang pagpapa-interview ni Jinkee Pacquiao sa issue kay Krista Ranillo at sa asawa nitong si Manny. Da­pat na raw itong tumigil tutal naman at tapos na ang issue.

Say ng isang online reader ng PSN: “Dapat kay Jinkee ay tumahimik na lang kasi kahit anong gawin niya, si Manny ay maraming babae ang magka­kagus­to dahil sa sikat at mapera pa, at least ’di siya katulad ni Tiger Woods na kung sinu-sino lang ang naging babae. Si Manny, puro artista. Isa pa, walang divorce law sa Pilipinas kaya kung hindi ibigay ni Manny ang ibang kayamanan niya, lalo na dito sa US, wala siyang magagawa.”

Say pa ng isa: “Jinkee, dapat ay quiet ka na lang at i-enjoy ang lahat ng blessings na dumarating sa buhay ninyong mag-anak, may darating na problema pero mas marami ang blessings so just count your blessings and be a blessing to others. Magiging masaya ka pa instead of worrying who will be the next girl na lalapit sa husband mong ubod ng pogi!”

* * *

Uy, mukhang nababako ang landas na tinatahak ni Shaina Magdayao ngayon. May masamang implu­wen­siya raw kasi na dyowa ng isa niyang barka­dang artista rin.

Usap-usapan na madalas siyang makitang umiinom ng alak, and take note, hard drinks daw na si John Lloyd Cruz ang isa sa mga kasama, ayon pa sa source.

Pero in fairness sa aktor, parang fresh si John Lloyd nang mapanood ko sa ASAP kahapon. In fact, parang bagong gising siya. Parang hindi siya nakita noong Friday na hindi makagulapay sa kalasingan sa Fiamma bar sa Makati.

Show comments