Joey's Quirky World Linggo at Lunes na

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo sa Joey’s Quirky World, bibi­si­tahin ng mga hosts na sina Lady Loca (Joey de Leon) at Ricky Bola (Ryan Ylla­na) ang Ger­many para tikman ang sikat na German sausage.

Sa dakong Asya naman, aalamin nila ang mga kakaibang tra­baho at pagkain doon. May bonus pang animal trick na tampok ang tatlong aso na kung maglakad ay kabit-kabit.

At sa bago nitong time­slot ngayong Lu­nes, makakasama ng mga hosts ang bago nilang bisita. Abangan kung sino ito! Pupun­tahan nila ang Japan para saksihan ang ka­nilang taunang drum festival. Pagkatapos ay dadaan din sila sa Ga­lata Bridge — isang fishing paradise sa Turkey.

Join na sa kakaibang trip paikot ng Joey’s Quirky World sa GMA 7 tuwing Linggo bago mag-SOP Rules at sa bago nitong timeslot tuwing Lunes bago mag-Family Feud.

Show comments