MANILA, Philippines - Matapos ang halos isang buwang pag-ere, ang election infomercial na binuo ng GMA News and Public Affairs (N&PA) ay umaani na ngayon ng mga positibong pagsusuri mula sa publiko.
Ang music video hinggil sa automation na pinamagatang, Bilog na Hugis Itlog (Oval That’s Shaped Like an Egg), na pinagbibidahan ng Sexbomb Dancers, ay naglalayong makatulong sa voters’ education.
Isang statement mula sa Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na nalathala sa mga pahayagan ang nagsabing maayos na naihatid ng video ang proseso sa automated election gamit ang jingle bilang medium of instruction.
Sumang-ayon dito si Bayan Muna representative Neri Colmenares. Aniya, ang music video na pinagbibidahan ng Sexbomb ay tumutugon sa pangangailangang maituro sa “common tao” ang computerized poll system.
Kasalukuyang umeere sa GMA Network, ang music video ay isang malaking tulong daw sa Voters’ Education arm ng Commission on Elections (COMELEC).
Bilang bahagi ng advocacy programs ng network, idinedetalye sa music video kung paano ang pagboto sa automated election, pati na ang payak na pamantayang bumoto o pumili ng mga kandidatong may integridad, tapat, at makapagdudulot ng kabutihan sa bansa. Strikingly opposite ang music video sa mga traditional instructional modules na ginagamit sa voters’ education.
Ayon kay GMA Network vice president for Regional TV at Head of Expansion Division Rikki Escudero, pinili nila ang paggamit ng song and dance dahil likas na mahilig ang mga Pinoy dito.