Marian at Dingdong may aaminin pa

Lubos na ikatutuwa ng fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang nabalitaan naming finally aaminin na ng dalawa ang kanilang relas­yon sa Feb­ruary issue ng Yes! Magazine. Kung totoo ito, ta­mang-tama ang labas ng ma­gasin sa Valentine’s Day.

Pre-programming din kumbaga ang labas ng Yes! sa balik-tambalan nina Marian at Dingdong sa End­less Love: Autumn In My Heart na eere sometime in April. 

Samantala this Saturday, nasa San Fernando, Pam­panga si Dingdong at may meeting siya sa mga kabataan na members at gustong mag-member sa Ayos Na! na susuporta sa kandi­datura ni Sen. Noy­noy Aquino. Tingnan natin kung sasama sa kanya si Marian. (What kai­langan pa ba nilang umamin? – SVA)

* * *

 Ang tambalan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang sunod na aabangan sa TV remake ng Gumapang Ka Sa Lusak to be directed by Maryo J. delos Reyes. Role nina Christopher de Leon at Dina Bonnevie sa pelikula ang ga­gampanan ng dalawa.

Naintriga kami dahil kasama rin sa cast si Ryza Cenon na alam ng lahat na un-friend ni Jennylyn dahil kay Mark Herras. Paano kung magka-eksena sila o magkaibigan ang role? Sa harap ng kamera lang sila mag-uusap at off-cam, dedmahan na drama nila for sure.

Nasa cast din si Al Tantay na very much indentified sa ABS-CBN. Gagampanan niya ang role na ginampanan ni Eddie Garcia sa movie at ipinalit siya kay Ariel Rivera na inilipat sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita?

Kasama rin sa cast sina Sandy Andolong, Julio Diaz, Mart Es­cudero, Price Stefan, Michael Sandico, Vaness del Moral, at Glydel Mer­cado. Join din sa cast ang isang galing sa StarStruck V at papasok ito ‘pag nagtapos ang reality-based artista search.

* * *

Nalinya na yata si Cristine Reyes sa horror movies dahil after Patient X at Ang Darling Kong Aswang, horror movie din ang magiging launching movie niya sa Viva Films. May pamagat na Tumbok ang pelikula na tungkol sa premonition.

Wala pang balita kung sino ang makakasama ni Cristine sa kanyang launching movie, pero ang director nito ay medyo controversial dahil minsan siyang na-link sa isang very controversial actress at hanggang ngayon, umaarangkada pa rin sa pagiging controversial.

Ang launching movie ni Cristine ay isa lang sa maraming pelikulang ginagawa ng Viva Films ngayon at pangalawa dahil kasama rin siya sa Working Girls.

* * *

Former childstars ang guest sa Shall We Dance kabilang sina Vandolph, Lady Lee at LA Lopez. May rhumba dance number din si Lucy Tor­res-Gomez at may i-introduce na new contest na sasalihan ng dance groups.

Co-host ni Lucy sa Shall We Dance sina Tues­day Vargas, Victor Basa, Jon Avila, at Cho­koleit. Napapanood ang dance show every Sun­day sa TV5. 

Show comments