^

PSN Showbiz

Asawa ni Assunta nababalitang may malalang sakit

-

Kinukuwento ni Cristine Reyes sa kanyang Twitter account na nag-story conference na sila para sa kanyang bagong primetime soap sa ABS-CBN.

Yup, sariling primetime show ng sexy actress.

Mukhang taon ni Cristine ang 2010. Bukod sa nasabing primetime teleserye, may sisimulan din siyang solo movie sa Viva Films.

* * *

Grabe, I got a text. Naayos na raw ang bagong political advertisement ni dating presidente Joseph Estrada na kumakandidato uli at magsisimula nang mapanood sa February. At ang nakalaan na initial budget daw for the said ad ay P60 million. Wow ang bongga naman.

* * *

Speaking of kampanya, isang aktor ang tumawag sa kampo ng isang vice presidentiable para suportahan ito. Pero ayaw munang ipagmaka-ingay ng kampo ng vice presidentiable dahil baka raw may mag-react na kampo.

Hot ang actor na ito sa kasalukuyan. Ang lakas ng dating niya lalo na sa kababaihan kaya malaking tulong siya sa vice presidentiable kung saka-sakali.

* * *

May kilig factor pa rin ang Boys Over Flowers kahit napalabas na ito dati.

Ang dami pa ring nanonood ng nasabing Koreanovela.

* * *

Sinagot ni Kris Aquino sa ABS-CBN.com ang lumabas na kuwento tungkol sa umano’y panunugod niya sa isang fan ng mister niyang si James Yap na kuwento nga sa column ni tito Ricky Lo ay natural ang naging reaction ni Kris dahil may asawang tao ang tinatawagan nito. “In my 25 years of being in the public eye, nobody can ever say that it is in my nature na magmura or gumawa ng iskandalo. I didn’t shout or create a commotion.

“The mother of the woman cited in the article graciously came to their gate and we had a peaceful conversation. I simply made my discomfort known about her daughter’s actuations towards my husband.

“My family received the text that Ms. Mayen Austria sent around. In it, she admitted to having ‘chemical depression and could easily take an overdose of pills.’ My brother and sisters advised me not to speak further about the issue,” sabi ni Kris sa kanyang text message.

Bahala nang humusga ang madla.

* * *

Nababalita palang may malalang karamdaman ang asawa ni Assunta de Rossi na si Cong. Jules Ledesma. Ito raw ang dahilan kaya hindi ito nakikita sa mga sesyon sa kongreso.

Ayon pa sa balita, nasa labas na raw ito ng bansa.

Pero kailan lang ay visible si Assunta na ang ku­wento niya ay madalas nasa Negros ang asawa niyang kongresista.

ASSUNTA

BOYS OVER FLOWERS

CRISTINE REYES

JAMES YAP

JOSEPH ESTRADA

JULES LEDESMA

KRIS AQUINO

MAYEN AUSTRIA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with