Sharon gusto pang mag-ampon ng marami

Aba at tila biglang lumakas ang loob ng anak-anakan kong si Rayver Cruz. Inilantad na ang matagal nang kinikimkim na damdamin kay Sarah Geronimo. Dati hagisan mo man yan ng granada ay talagang hindi mo mapapaamin. Ewan ko lang kung bakit biglang lumakas ang loob niya. Baka naman natakot na maunahan siya, ang dami yatang nagbabalak nang manligaw kay Sarah.

Hay naku anak, tatagan mo lang ang loob mo. Sa napapanood kong mga interview kay Sarah tungkol sa pagtanggap ng manliligaw, mukha namang wala pa siyang kinikilingan. Sana handa ang loob mo sa anumang mangyayari. Pero anong malay natin, baka naman suwertihin siya. Mabait namang bata si Rayver, guwapo, hard working, at very talented din.

Good luck na lang sa iyo.

* * *

Congrats din at happy birthday sa isa ko pang anak-anakan na si Sharon Cuneta. Balita ko, napaka-successful daw ng birthday concert ni Mega.

Anyways, alam ko masaya siya sa kanyang birthday lalo na nga’t meron na silang Baby Miguel na mapagbu­buhusan nila ng panahon.

Balita ko, mag-aampon pa sila ng iba pa. Kaya naman nila. Marami pa silang bata na mabibigyan ng magandang kinabukasan.

Suwerte raw ang mag-ampon kaya siguradong ibayong suwerte pa ang darating sa inyo.

* * *

Kawawang Lovi Poe. Hanggang ngayon, ipinaaamin pa rin sa kanya ang kasalanan na namangka siya sa dalawang ilog. Ang lalaking inagrabyado niya raw ay si Jolo Revilla. Kaya maraming fans ang galit sa kanya?

Pero totoo kaya ito? Hindi naman tipo ni Lovi ang papasok sa isang relasyon nang hindi muna niya ti­nata­pos ang isa? Mas gusto kong paniwalaan na wala na sila ni Jolo nang mag-entertain siya ng bagong suitor. Maikli lamang siguro ang patlang ng dalawang relasyon kung kaya napagbintangan si Lovi.

* * *

Ewan ko ba naman dito kina Dennis Trillo at Cristine Reyes, sabi nang sabi na wala na sila pero lu­malabas pa rin namang magkasama. Sana kung walang nakakakita sa kanila puwede silang magsinungaling pero dahil pumupunta sila sa mga public places kung kaya may nakakakita sa kanila.

Bawal ba na magsama sila dahil makakasira ito sa career nila, lalo na kay Cristine na ang image na gustong ibigay sa kanya ay sexy and available?

Kaya ba sila nagtatago? Ang kaso hindi sila marunong magtago. Kumbaga sa pako, nakalabas ang mga ulo nila, kaya nakikita sila.

Show comments