TV5 sa April aariba!

Tulad ng iba’t ibang reality-based talent search ng ABS-CBN at GMA-7, may ongoing search ang Flawless para sa kanilang susunod na Flawless endorser - Picture Flawless kung saan 23 hopefuls ang sumali sa pagnanais na magiging da­an din nila ito sa kanilang ambisyon na makilala at mapasok ang ma­saya ngunit magulong daigdig ng showbiz.

Among the 23 aspirants, nagka-interes ang ilang press sa 20-year-old na si Serafin Letim na taga-Par­do, Cebu dahil bu­kod sa guwapo, naka­ka-intriga ang kanyang pinag­mulan.

Ayon kay Serafin, ang isa sa main reason kung bakit siya sumali sa Picture Flawless ay para maki­lala siya at ito’y maging daan para ma­ki­lala ang kanyang bio­lo­gical parents at mabuo na ang puzzle tungkol sa kanyang pagka­tao.

Si Serafin ay in-adopt ng kan­yang may pa­milyang tiyu­hin na naka-base na nga­yon sa Sacra­mento, Califor­nia sa Ame­rika al­though lumaki siya sa kan­yang kini­kilalang nanay-nayan at ang pamilya nito na siyang nag-alaga sa kanya simula pagkabata.

Ayon kay Serafin, ang kanyang adoptive parents (sa Amerika) ang nagpapaaral sa kanya pero ang kanyang pang-araw-araw na gastusin ay ang kanyang nanay-na­na­yan ang nag­bibigay sa kanya. Nasa 4th year college na ng Busi­ness Adminis­tration sa San Carlos Uni­­versity sa Cebu City si Serafin.

Ma-drama ang buhay ni Serafin (junior) na puwe­deng i-feature sa Maalaala Mo Kaya. Ang maganda sa kanya, hindi siya naging rebelde sa mga natuk­lasan niya tungkol sa kanyang pagka­tao at sa halip ay nagsisikap siya bilang pagta­naw ng utang na loob sa mga taong nagbigay sa kanya ng pangalan, nagpalaki at nagpapaaral sa kanya.

Hindi ikinakaila ni Serafin na nami-miss niya ang kinagisnan niyang magulang na sina G. Serafin at Gng. Nora Letim at ang dalawa niyang kinilalang mga kapatid na babae na sa Amerika na naka-base. 

Wala na umano siyang komu­nikas­yon sa kanila sa loob ng dalawang taon. Ang ta­nging link lamang niya sa kanila ay sa pamamagitan ng kanyang nanay-nana­yan na si Maria.

Tulad ng mga kasamahan niya sa Picture Flaw­less, uma­asa si Serafin na siya’y papalarin na maisa­ka­tu­paran ang kan­yang mga pangarap.

* * *

Gaano man ka-late, Salve A., gusto kong pasa­lamatan ang That’s Entertain­ment alum­nus, ang mahusay na TV host ng All The Way ng TV5 na si Jojo Alejar dahil ito ang nag-host sa debut ng anak kong si Aila Marie Reyes nang walang hininging kabayaran kundi ang kanyang pagpa­pahalaga sa isang ma­tagal nang kaibigan.

* * *

Kung tama ang aming nasagap na im­pormas­yon, sa buwan ng Abril ang re-launching ng TV5 na nasa bagong pamu­nuan na. Deter­mi­ned umano ang bagong kumpanya na nasa ste­warship na nga­yon ng business tycoon na si Manny Pangi­linan na pala­kasin nang husto ang dating TV network ni G. Ed­ward Tan. Aware pareho ang ABS-CBN at GMA 7 man­age­ment na ma­rami sa kani­lang mga talents ang nilala­tagan ng mga tempting offers para la­mang lu­mi­pat sa TV5.

Speaking of TV5, bakit kaya hindi i-consider ni MVP si Bb. Kit­chie Benedicto na siyang mama­hala sa prog­ramming o production ng TV network dahil sa kanyang expertise? After all, si KB lang naman ang nagpalago noon ng IBC-13, RPN-9, at BBC-2.

* * *

a_amoyo@pimsi.net

Show comments