Hindi pa man nagsisimula ang bagong season ng American Idol, inuulan na ito ng intriga. Ang kabutihan lamang, sa halip na maapektuhan ito ng hindi maganda, mas lalo pang sumisikat ang show dahil wala namang kinalaman sa pagpapalit-palit ng mga judges ang kalidad ng mga sumasaling contestants.
Although nakapanghihinayang kung mawawala ang judge na si Simon Cowell, dahil talagang mahusay siya sa kanyang trabaho pero magaling din naman sina Randy Jackson at ang baguhang si Kara Dioguardi. Madadagdag pa sa kanila si Ellen Degeneres. Sana rin hindi ito mawala kapag tuluyan nang nagpaalam si Simon Cowell.
Nagsimula na kahapon ang 2-part premiere sa QTV11 ang American Idol.
* * *
Tuloy na pala ang birthday concert ni Imelda Papin na magaganap sa Aliw Theater sa Enero 31, 8:00 ng gabi. Isang magandang palabas ang inihahanda ng Undisputed Jukebox Queen, bilang pamalit sa hindi natuloy na konsiyerto niya kasama ang international star na si Melissa Machester na natakot pumunta ng Pilipinas dahil sa magkasunod na mass murder at mass kidnapping sa Mindanao.
Pinamagatang One, A Very Special Concert, nasa direksiyon ito ni Randy Rufino sa tulong ni Jobert Sucaldito. Tampok din si Mommy Dionisia ang Big 3 Sullivans, UE Chorale, at maraming surprise guests.
Muling ipakikita ni Imelda ang kanyang talent na hinahangaan din sa Las Vegas.
* * *
May bago na namang karangalan na natanggap si Rhian Ramos na muling mag-aangat sa kanyang status bilang Kapuso star. Tatanggapin niya ang Model Star Award sa 5th Asia Model Festival na gaganapin sa buwang ito sa Seoul, Korea. Kasama niyang awardee si Victor Aliwalas. Sasamahan silang dalawa ni Ida Ramos, head ng GMA Artist Center sa Korea sa pagtanggap ng award.
* * *
Hanggang ngayon, tinutuklas pa rin ang pangalan ng taong naging dahilan ng paghihiwalay nina John Prats at Shaina Magdayao. Meron na raw clue ang marami sa identity ng third party sa hiwalayang John-Shaina pero ayaw pa nilang mag-name names.
Sana totoo at fair ang gagawin nilang pagbubunyag sa katauhan ni third party. Kawawa naman kasi kung wala pala siyang kasalanan at napagbintangan lang.
Hay naku, kung bakit naman ginagawang big deal ang mga ganitong hiwalayan sa showbiz