Pasintabi muna ako kay Tita Emy Abuan, publicist ng Solar Entertainment na isa rin sa mga kapwa ko mahal na manunulat.
Isa sa mga dati kong katrabaho sa isang AM radio station works for Mr. Wilson Tieng’s Solar company, na siya ring nagprodyus ng pelikulang Wapakman, an entry to last year’s Metro Manila Film Festival (MMFF). Mismong ang pamunuan na rin ng festival came up with the figures in terms of its box-office returns all throughout the two-week commercial exhibition: P2.6 million lang ang kinita ng Manny Pacquiao movie.
Given the figures, obviously na kulang pa itong pambayad sa mga artistang lumabas sa pelikula. Personally, I know of one cast members na hindi pa fully paid for services rendered even after the duration of the festival.
The Solar company staff member, however, has a reason to complain. Hindi kasi naibigay sa kanila ang kanilang Christmas bonus, na dapat sana’y magiging katas ng kikitain ng Wapakman. Pero nagbigay naman aniya ng konsuwelo ang Solar, babawi na lang ito sa kikitain ng Pacman-Mayweather, Jr. fight na nauna nang ikinasa sa March 13, only to know na hindi na matutuloy ang naturang sagupaan!
Kunsabagay, under the Labor Code of the Philippines, nasa discretion na lang ng anumang kumpanya ang pagbibigay ng bonus. At sa puntong ito, walang pananagutan si Mr. Tieng sa kanyang mga empleyado.
* * *
Both Aljur Abrenica and Kris Bernal should plead guilty kung hindi man sineseryoso ng publiko ang kanilang real-life romance, pareho naman kasi silang “indiscreet” with their respective lovelives.
Isang halimbawa na lang ang mga larawan ni Kris taken with her alleged boyfriend, si Aldred Gatchalian ng taga-Pinoy Big Brother. Bagama’t may mga kaibigan din silang nakunan, the fact remains that while Kris is enjoying her time ay ganoon din si Aljur with his real-life sweetheart.
In effect, paano madya-justify na nasa ligawan stage na sina Aljur at Kris, such is the publicity peg to hype their telefantasya, gayong isang maliwanag namang fantasy ang namumuo kuno sa kanila?
* * *
Strictly no media coverage ang idinaos na kaarawan ni Gab a.k.a. Budoy noong Linggo siyempre thrown by the Revilla family. Hindi ’yon dahil sa violation of child’s rights, nakiusap lang talaga ang mga magulang nitong sina Jolo Revilla at Grace Adriano na huwag nang gawing karnabal ang okasyon.
Maganda sanang antabayanan kung sisiputin o sinipot ’yon ni Rosanna Roces na nitong nakaraang holiday season pa nagmamarakulyo dahil ipinagkait umano ng sariling anak ang kanyang paboritong apo.
Yes, si Grace na ngayon ang object of anger ni Osang na nalihis mula kay Jolo at sa pamilya nito. Shades of Amalia Fuentes na kailangan pang idaan sa media ang dapat sana’y usaping pinag-uusapan at nireresolba na lang sa tahanan.