Luis kayang palambutin kahit batong-puso

Sa biglaang tingin, mukha ngang mababalik muli ang closeness nina Angel Locsin at Luis Manzano. Lahat ay ginagawa ni Luis para mapalapit muli sa dating nobya. Narung dalhan niya ito ng doughnut. At kahit hindi nagtagumpay ang una niyang lakad dahil hindi siya nito hinarap, hindi siya nawalan ng lakas ng loob. Bumalik siya kinabukasan at nagdala naman ng spaghetti. This time, hinarap na siya ng dating girlfriend.

Pero kung lilimiin, parang matabang nang makipagbalikan si Angel kay Luis. At the most, puwedeng mabalik ang kanilang friendship pero siguro hindi ang kanilang relasyon.

Pero sabi nga ni Gov. Vilma Santos, persistent ang kanyang anak. Kapag pinanga­tawa­nan nito, ma­pag­lulubag nito maging ang pina­ka-matigas na puso.

Aber, tingnan nga natin kung uubrang muli ang charm ni Luis kay Angel? At sana kung hindi man, they can be the best of friends again.

* * *

Mukhang ang bilis naman ng pagpapalit ngayon ng ad­ministrasyon ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Na­ka­kaisang taon pa lamang ay may hinirang na agad na bagong pamunuan ang organisasyon.

Nahirang na mamuno sa PMPC sa taong ito si Melba Llanera, pangalawang pangulo niya si Mell Navarro.  

Balik-secretary naman si Mildred Bacud, habang si Rodel Fernando ang assistant secretary.       

Pangalawang taon ng treasurer ni Boy Romero at as­sistant treasurer si Robert Pangis. Si Romel Galapon ang auditor habang PRO naman si Sandy Es Mariano.

Ang Board of Directors ay binubuo nina Eric Borromeo, Roldan Castro, Blessie Cirera, Fernan de Guzman, Monching Jaramillo, Gerry Ocampo at Rommel Pla­cente.       

Sa bagong pamunuang ito, inaasahan na mas lumawig pa ang pagkakabuo ng club at maging matatag sa pagharap sa mga hamon at pagbabago tungo sa ikauunlad ng club.

Ang isang samahan ay di nabubuo ng isa o dalawang miyembro lamang, ito ay group effort, isang pagpupunyaging dapat ay nilalahukan ng bawat isa, na umaayon sa iisang layunin : ang bigyan ng bagong bihis-anyo ang isang samahan na nagkakaisa at mamintina ang tiwala at respeto ng tao sa samahan.

Show comments