Tanggalan na sa StarStruck mamayang gabi

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo (Enero 10), iaanunsiyo na ng mga hosts na sina Dennis Trillo at Carla Abellana kung sino ang mga StarStruck survivors na mai­iwan at kung sino ang iiwanan na ang kompe­tis­yon.

First time na nangyari na ang mga viewers ay nag­­karoon ng kapangyarihan na magpaalis ng Star­­struck survivor, kung ikukumpara sa usual voting na gustong maiwan ang napipisil na con­ten­der. Walang kaibigan. Walang emotional at­tach­ment. Basta labanan lang.

Ang Top 10 survivors ay sina Steven Silva, Pie­ro Vergara, Ian Batherson, Enzo Pineda, Rocco Nacino, Diva Montelaba, Sarah Lahbati, Prin­cess Snell, Nina Kodaka, at Rox Monte­alegre. Sino sa kanila ang pauuwiin sa double eli­mi­nation night?

Manood na lang sa StarStruck V pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories sa GMA 7.

Show comments