MANILA, Philippines - Sa pagpasok ng isang bagong taon ay maraming pagbabago ang nagaganap sa pananamit ng mga lalaki’t babae. Sa Life and Style and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Linggo sa QTV-11, alas diyes hanggang alas onse nang umaga, ay ito ang tatalakayin.
Ang mga sikat na designer na sina VJ Floresca at Telay Galvez ang makakatsikahan ng host-producer na si Ricky Reyes tungkol sa mga disenyo, kulay, at materyal na mauuso hindi lang dito sa atin kundi maging sa iba pang fashion capital ng mundo.
Itatampok din ang bagong serbisyo sa mahigit 40 Gandang Ricky Reyes Salon sa Pilipinas na tinatawag na Trim Plus. At para sa mga mister na bigong paligayahin si misis, dapat tumutok sa programa dahil may feature sa bagong alternative medicine na lunas sa ”erective disfunction.”
Ang Life and Style and Style with Gandang Ricky Reyes ay produksyon ng ScriptoVision na nangangako ng mas magaganda, interesante, at makabuluhang panoorin sa taong ito. Siyempre pa, abangan sa mga darating na episode ang mga hair styles at makeup na papatok sa Year of the Tiger na tanging ang beauty gurung si Mother Ricky Reyes ang makapagbibigay. Patunay lang sa kasabihang – mother knows best.