Talentadong Pinoy pinaiiwan, Ryan pinag-iisipan pa ang bonggang offer ng GMA 7
Iba’t ibang pangalan ang nababasa naming kino-consider na mag-host ng Survivor Philipines Season 3 kapalit ni Paolo Bediones na lumipat na sa TV5. Narinig at nabasa namin ang mga pangalang Paolo Abrera, Chris Tiu, JC Tiuseco at nitong huli’y si Dingdong Dantes.
Pero ang opisyal na alam naming in-offer to host Survivor Phillipines Season 3 ay si Ryan Agoncillo. In fact, isa lang ang Survivor Philippines sa maraming shows na in-offer ng GMA 7 sa mister ni Judy Ann Santos.
Kay Ryan din ino-offer ang role ni Andrew sa Endless Love : Autum In My Heart at siya ang na-blind item namin a few days ago. Kasama pa rin sa offer ang weekend News & Public Affairs show, at isang game show.
Pero pinag-iisipan pa rin lahat ni Ryan kung tatanggapin ang offer at kung babalik siya sa Channel 7 dahil ang hinihingi sa kanya ng Kapuso network once mag-sign siya ng one year exclusive contract ay bitawan ang hino-host na Talentadong Pinoy sa TV5.
The clock is ticking ika nga at kailangan nang magdesisyon ni Ryan kung tatanggapin ang offer ng Kapuso Network dahil by March, magti-taping na ang Autum In My Heart.
Tanungin natin ang readers, sa palagay ninyo, dapat bang iwan ni Ryan ang Talentadong Pinoy kapalit ng maraming shows na offer ng Channel 7? (Yes ateng… - SVA)
***
Nasa labas ng clubhouse ng St. Charbel Executive Homes ang dad ni Sarah Geronimo nang magpahayag ng kanyang saloobin si mommy Divine Geronimo tungkol sa lovelife ng anak. Sabi ni Mr. Geronimo, ‘di na niya kailangang magsalita’t nasabi na lahat ng asawa ang gustong sabihin sa mga nagtatanong kung kailan magbu-BF si Sarah.
Na-late si Mr. Geronimo sa post-Christmas party na handog nila sa press dahil dinala pa sa vetenerarian si Jaja, ang pet dog ni Sarah na naipit ang paa sa escalator habang nagsu-shoot si Sarah ng music video ng Please Be Careful With My Heart nila ni Christian Baustista. Kasama ang kanta sa Music and Me album ni Sarah at duet nila ni Christian.
Bago ang madamdaming pahayag ni mommy Divine, masayang ibinalita ni Sarah na tuloy na ang movie nila ni Judy Ann Santos sa Viva Films at next week na raw ang shooting. Excited na siyang makatrabaho ang aktres sa light comedy movie sa direksiyon ni Wenn Deramas.
***
Mahaba na uli ang buhok ni Phillip Salvador at i-enjoy daw muna niya ang pagpapahaba ng buhok bago simulan ang sequel ng Ang Panday. Ibinalita nitong sinisimulan na ang paghahanda sa sequel dahil ang goal ni Sen. Bong Revilla, Imus Productions at GMA Films ay ma-surpass sa lahat ng aspeto ng sequel ang Ang Panday na showing pa sa 90 theaters nationwide up to February 8.
Tiniyak ni Phillip na kasama sa sequel ng Ang Panday si Anne Curtis, samantalang ‘di sigurado si Rhian Ramos kung makakasama pa siya dahil namatay at sinunog ang karakter niya sa pelikula. In-assure naman ni Bong si Iza Calzado na kasama pa rin sa cast ng sequel.
***
Kabahan na ang dapat kabahan dahil bukas, double elimination ang mangyayari sa StarStruck V at makakatulong sa viewers sa pagpili kung sino ang ibobotong male and female survivor para sabay na maalis sa reality-based artista search.
Bago bomoto, panoorin muna ang episode this Saturday para malaman kung sino sa remaining 10 survivors ang nakasabay sa husay ni Kyla sa concert stage. Makikita rin kung sino ang nag-shine sa hosting test at kung sino ang hindi nagpatalo kay Glaiza de Castro sa acting test na dinerehe ni Dante Mendoza.
Mapapanood ng live ang StarStruck V sa last mall show ng Survivor 10, after Pinoy Records and hosted by Raymond Gutierrez.
- Latest