Panggagamit ng aktres ibinuking ng tiyahin ng aktor

Feel na feel ko ang sobrang kaligayahan kahapon ng mga artista ng Ang Panday dahil num­ber one sa takilya ang kanilang filmfest movie.

Hindi na natinag sa number one position ang fantasy movie ng Imus Productions at GMA Films.

Tiyak nang magkakaroon ng part 2 ang Ang Panday kaya nalungkot ang mga karakter na natsugi sa Part 1 dahil hindi na sila kasali sa next project. Hihirit yata sila na buhayin ang kanilang mga role na namatay o pinatay dahil fantasy movie naman daw ang Ang Panday.

Masaya ang victory party na ginanap kahapon sa Annabel’s Restaurant. Invited ang lahat ng mga reporter, pati ang writers na identified sa ABS-CBN. Ganyan ka-fair ang GMA Films at Imus Pro­ductions. Wala silang kinikilingan o pinapaboran.

***

Masyadong juicy ang e-mail na ipinadala sa akin ng female reader na itatago ko sa initials na EB.

Tungkol sa isang aktres na naging dyowa ng kan­yang pamangkin ang kuwento ni EB. Nag-e-emote si EB dahil sa interbyu sa aktres, hindi nito naa­laala na pasalamatan ang kanyang ex-boy­friend na maraming isinakripisyo para magtagal ang kanilang love affair na nauwi rin sa hiwalayan.

Bahala na kayong mag-fill in the blanks para may challenge sa inyo ang unang linggo ng Jan­uary 2010. I’m sure, mahuhulaan ninyo ang iden­tity ng aktres na tinutukoy ni EB.

“Good am Ms. Lolit, Gusto ko lang mag-com­ment sa sinabi ni A (name ng aktres) sa isang in­ter­view sa kanya na si S ang first love niya.

“Nasaktan kami dahil ang pamangkin ko na dating member ng Star Circle at isa ring com­mercial model na ang pangalan ay C ay na­ging boy­friend ni A, for two years.

“Noon ay nagsisimula pa lang si A sa showbiz at walang sariling sasakyan. Si C ang naghahatid-sundo sa kanya sa lahat ng appointments niya, sa taping, pictorials, at kung saan pa man siya pu­­mu­­­punta.

“Kahit hatinggabi, inihahatid siya sa Novaliches dahil doon nakatira si A, that time. “Naawa kami sa pamangkin ko. Sa sobrang antok ay naka­ka­tulog sa gasoline station kesa nga naman ma­dis­grasya dahil sa Sucat pa siya umuuwi.

“Imagine mo ang layo ng Novaliches sa Sucat? Noong debut ni A ay niregaluhan pa siya ng pa­mang­kin ko ng Home Theater set. Nang medyo nagkapangalan na si A ay kina­­kitaan na ito ng panlalamig.

“Meron na siyang sasakyan na nagagamit, that time. Ang masakit pa, sina C at M ay nag-aaral sa iisang school. Nakita ng anak ko si A sa loob ng kot­­se ni M.

“Sa sobrang sakit ay halos pumutok ang dibdib ni C sa sama ng loob. Hin­­di kami bitter dahil iniwan ni A ang pamangkin ko nor galit kami kay M da­hil nirerespeto namin na wala siya para ipagtanggol ang sarili.

Wala siyang kasalanan dahil nasa babae ‘yan. Kung si M ang first love niya, ano ang tawag niya sa kanyang relasyon sa pamang­kin ko? Ginamit lang niya for her own comfort at hindi minahal for two years na mag- on sila?

“Manggagamit pala talaga siya. Okey nga sa amin na nawala siya sa bu­hay ng pamangkin ko dahil naka- graduate ng college si C, nag-put up ng sariling business at mayaman na ngayon.

“May girlfriend din siya. Alam namin na mahal siya ng kanyang girlfriend at hindi siya ginagamit lang. Mabuti pa nga si G na anak ni V na minsang na­­ka­­relasyon din ng pamangkin ko. Naramdaman namin na minahal ni G si C.

“Miss Lolit, sana huwag mo na lang banggitin kung sino ako dahil medyo kila­la ang family namin, lalo na sa Batangas. Si Miguel Belmonte nga pala ay friend ng husband ko. Naging kasama niya si Miguel sa Mandarin Hotel.

“Thank you and I will never get tired reading your column and watching your show. “Natutuwa kasi ako sa ‘yo. Regards to Joey de Leon, I met his wife nang mag-debut ang pamangkin ni Joey at ginawa dito sa clubhouse namin sa VV2.

“Kung mapapasyal ka sa Lipa, Batangas, pasyal ka sa amin sa Summit Point Golf and Residential Estates at itanong mo lang ang bahay namin. Re­­gards and God bless!”

Show comments